***Pain***
MABILIS NA lumipas ang ilang buwan. Ang buong akala ko ay aalis kaming agad sa bahay ni Yio pero nanatili kami dito ng higit limang buwan. Tanging si Zhaac, Justine at Yio lang ang umaalis upang pumunta sa manila pero agad din na bumabalik. Wala akong alam kung ano ang inaasikaso nila do'n at ayaw naman niyang sabihin. Aaminin ko, hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Dahil alam kong hindi pa maayos ang lahat. Nand'yan parin ang kapahamakan at naghihintay sa amin.
Tuwing linggo din ay dumadalaw dito ang halos lahat ng kaibigan ni Zhaac. At pati ang mga magulang niya ay pumupunta pero isang beses lang sa isang buwan. Tuwang-tuwa sila nang malamang buntis ako at gusto pang magpa-party na kinontra naman ni Zhaac. Pero mapilit ang Mommy niya kaya nagkaroon lang ng maliit na salo-salo. Nagkita din si Mama at ang mga magulang ni Zhaac at halos ikagulat ko nang malaman na magkakilala pala ang tatlo. Sabi ni Mama ay ito pala ang tumulong at tumutulong sa kanila simula pa noon.
Nasabi din ni Mama na kaya pala pamilyar sa kaniya si Zhaac ay nakita na pala niya ito noong humingi sila ng tulong sa pamilya Yamaz. Si Justine at Zhaac naman ay walang kaalam-alam na magkakilala pala ang aming mga magulang. Hindi din kasi naipakilala ni Justine noon si Zhaac dahil sa busy nga ito at iwas din sa pampublikong lugar. Sinikap ni Justine na mag aral kahit pa delikado.
Ngayon naman ay tanging ako, si Vlera na sobrang bait pero may pagkakataon na nagkukulong ito sa kwarto. Susundan agad siya ni Yio at aalagaan. Hindi man sigurado pero alam kong may pinagdadaanan ito. Si Alhexe, Kiano, Elvin, Kheileb, Brendel at ang kambal na Aguirre ay narito. Dumating ang mga ito kaninang umaga na may dalang maraming paper bags. Lahat ng iyon ay para sa akin at sa mga magiging anak ko.
Ilang linggo or araw nalang kasi ay isisilang ko na sila. O baka kahit anong oras mula ngayon. Natatakot man ay pilit ko nalang na nilalakasan ang loob. Sa bahay na ito ay may kwarto kung saan parang ginawang operating room. May mga high tech na dinala dito ang magkapatid na Aguirre para sa panganganak ko. May isa pang babae silang kasama kanina at ito daw ang makakatulong nila.
Mahigpit na bilin kasi ni Zhaac na babae raw ang kailangan na hahawak sa'kin. He's jealous and it makes me love him even more. Yeah, mahal ko na siya at hindi ko na idi-deny pa sa sarili ko iyon. Hindi ko pa din masabi dito dahil humahanap ako ng magandang pagkakataon. Lalo pa't madalas siyang pagod dahil sa ginagawa nila sa manila. Tulad nalang ngayon. Wala si Zhaac, Justine at si Yio. Sumama rin si Mama dahil kukunin nila si Lola upang dalahin din dito.
"Ilheezsa, ayos ka lang?"mula sa aking likuran ay ang tinig ni Vlera. May dala itong fruit salad.
"Huh? Ah... Oo. Medyo sumasakit lang ang likod at balakang ko."
"Namumutla ka kasi. Maupo ka muna. Ang laki na niyang t'yan mo at sigurado akong mabigat 'yan. Tatlo ba naman tapos malalaki pa lahat."natatawang ani'to. Iginiya niya ako papaupo sa single sofa dito sa salas.
Busy ang mga kalalakihan sa kani-kanilang cellphone at laptop.
"Oo nga eh, mabigat talaga. Baka nga bigla nalang akong manganak ngayon dahil nakakaramdam na ako ng sakit sa t'yan ko."
"Omo! Sumasakit na?!"
"Oo eh... Pero nawawala din naman. Kaya lang bumabalik maya-maya."
"Hala, baka nga manganganak kana!"
Dahil sa tinis ng boses na iyon ni Vlera ay nabaling sa'min ang atensyon ng lahat. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito maliban sa kambal.
"A-Ah, ano... Okay pa ako. Hindi pa naman siguro ako manganga—"nanlaki ang mata ko nang makaramdam nang sobrang sakit. Hindi iyon katulad ng mga nauna.
Mariin akong pumikit upang kontrolin ang sakit pero hindi na naalis. Nang magmulat ako ay nag-umpisa nang mag-panic ang lahat.
"Tawagan niyo si Ul! Holy Sh*t! Ilheezsa! Naihi ka!"sigaw ni Kiano.
"G*go! Panubigan niya 'yan! Weince, nasaan na si Lhou-Lhou?"si Elvin iyon.
Lumapit naman sa'kin si Kheileb at walang hirap na binuhat ako.
"I will call her. Dalahin niyo na siya do'n."kalmadong sabi ni Weince. Naglakad ito papaakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Lhou-Lhou.
Ako naman ay dinala ni Kheileb kung nasaan ang kwarto na ginawa para sa panganganak ko. Nandito lang iyon sa ibaba kaya malapit. Lahat ay naka-sunod lang sa likod ni Kheileb habang si Alhexe naman ay may kausap sa kabilang linya.
Hindi na ako makapag-concentrate sa mga nangyayari. Ang tangi ko lang iniisip ay ang sakit na nagmumula sa t'yan ko pabababa. Sinabihan din ako ni Weinmar na hindi ko kakayanin ang normal delivery. Kaya kahit labag sa aking loob ay pumayag ako sa CS. Basta ligtas ko lang na maisilang ang mga bata. Ngayon ko nalaman ang pagmamahal ng isang ina para sa anak. Gagawin mo ang lahat upang maging ligtas lang sila. Kahit pa natatakot ako ay wala akong pagpipilian. Kailangan ko lang na lakasan ang aking loob at lumaban.
"Malapit na daw sila Zhaac. Nasa daan na din kasi sila nang tumawag ako."boses iyon ni Alhexe.
Naibaba na pala ako ni Kheileb sa kama at nando'n parin silang lahat. Siya naman na dumating si Lhou-Lhou na halatang iritado pero pinapa-seryoso ang tindig.
"Ano? Manonood kayong lahat? Labas!"nag uunahan naman na lumabas ang lahat. Para bang natakot sa pag sigaw na iyon ni Lhou-Lhou.
Ang tanging naiwan lang ay si Weince, Weinmar at Lhou-Lhou. Parehong tumalikod ang dalawang lalake nang samaan din sila ni Lhou-Lhou ng tingin, lalo na si Weince. Chineck muna ako ni Lhou-Lhou pero hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi niya. Sobra na ang sakit at para na akong hinahati sa dalawa. May kung ano siyang itinurok sa'kin at ang huli ko nalang natandaan ay ang pagbukas ng pinto at ang takot na mukha ni Zhaac ang aking nakita.
May binigkas pa itong kung ano na hindi ko na narinig pa dahil nawalan na ako ng malay.
———
~❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
عاطفيةWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...