~49 His Ilheezsa

2.5K 104 1
                                    

***His Ilheezsa***

                     HINDI NA alam ni Zhaac kung paanong aaluhin ang dalaga lalo pa nang sabihin ni Weince na hindi kinaya ng Mama nito. May tumama na bala sa puso ng ginang at gano'n din sa baga. Hindi na nagawa pang lunasan lalo pa't dumiretso sa puso ang bala. Masyado iyong na damage idagdag pang matagal na bumiyahe sila papunta lang dito. Siguro ay sa sasakyan palang ay wala nang buhay ang matanda.

Si Justine naman ay kritikal ang lagay. Tinamaan din ang baga nito labis ang pagdurugo. Mabuti at may kagamitan sila dito pero kailangan parin na dalahin sa hospital ang kaibigan. Hindi maganda ang nangyari sa sinasakyan nito. Naabutan nila na nakataob ang kotse na ng mag-ina at basag ang harap na hood ng kotse. Siguro ay binangga o sinalubong ang mga ito ng isa pang kotse.


Halos madurog ang puso ni Zhaac nang makita kung paanong umiyak ang kasintahan. Nag-aalala siya na baka bumukas ang tahi nito. Hindi rin maganda para dito ang ma-stress, lalo pa't kapapanganak lang ni Ilheezsa. Pero kahit anong pigil niya rito ay hindi ito nakikinig. Yakap ng dalaga ang duguang katawan ng ina. Wala nang buhay. Si Justine naman ay mabilis na dinala sa hospital ng magkapatid na Aguirre. Isinakay nila ito sa van na pag-aari ni Yio.


Tanging hikbi lang ang maririnig mula dito. Kung titignan ay sobra itong nakakaawa. Para itong paslit. Ang nagawa nalang ni Zhaac ay ang tignan at haplusin ang likod ng kasintahan.

"Zhaac... M-Masama ba ko?"tanong ng kasintahan sa kaniya.

Kahit pa hindi ito nakatingin sa kaniya ay umiling siya. "No... You're not... Shh, stop crying."

"Sa p-picture ko lang nakita si Papa... N-Namatay siya ng hindi ko man lang nakita o n-nakausap. Buong buhay ko, galit ako sa kanila. Tapos ngayong a-alam ko na ang totoo ay t-tsaka pa sila nawala? Zhaac... Masakit... Bakit?... Ha? Bakit nangyayari 'to sa'kin? Bakit gano'n sila? Mga wala silang puso..."bumaba ang tinig ni Ilheezsa.

Para bang bigla itong napagod. Kumalas din ito sa pagkakayakap sa ina at hinaplos nalang ang pisngi nito na nababahiran ng dugo.

"Wala naman kasalanan ang magulang ko... Ang kapatid ko... Wala silang ginawang masama sa mga taong 'yon... Sila ang masasama... Pero bakit kami ang pinaparusahan ng D'yos?"

"Ilheezsa... Siguro ay nakatadhana itong mangyari... Ayaw na ng panginoon na magtago ang Mama mo sa dilim."

"Kaya niya hinayaang m*matay si Mama? Zhaac, pwede naman kaming maging malaya. Malayo sa kanila... Pero bakit? Bakit hindi niya kami kayang ilabas sa sitwasyon na 'to? Bakit kailangan na mawala ang mama ko?"

"Huwag mong kwestyunin ang D'yos Ilheezsa... May dahilan kung bakit nangyari iyon, ha?"

Nilapit niya ang babae sa kaniya at mahigpit itong niyakap. Umiyak ito sa kaniyang dibdib at walang kahit na ano pang sinabi. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Sa bawat hikbi ay maririnig mo ang sobrang sakit at talagang nakakahawa.

Ilang sandali pa ay pumasok si Yio sa kwarto na iyon. Tinanguan siya nito kaya inalalayan niya nalang si Ilheezsa na makabalik sa kwarto nila. Isang beses pa sinulyapan ni Ilheezsa ang walang buhay na ina bago sumama sa kaniya. Naramdaman niya ang panginginig ng babae kaya binuhat niya lang ito. Si Ilheezsa naman ay ibinaon ang mukha sa kaniyang leeg at doon ipinagpatuloy ang pag iyak. Hanggang sa tuluyan silang makabalik sa kwarto kung saan natutulog parin ang tatlo. Si Vlera naman ay tahimik na nakatingin sa kanila.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon