~54 Mr. Ventura

2.1K 80 3
                                    

***Mr. Ventura***

                    SOBRANG TUWA ang naramdaman ni Zhaac nang bumalik na sa dati si Ilheezsa. May pagkakataon na tahimik ito pero agad din na ngingiti at kakausapin siya. Mas dumoble din ang pag-aalaga ng nobya sa mga anak kahit pa sobra talagang hirap. Madalas silang puyat pero ayos lang sa kanila. Anak nila iyon kaya kailangan at kasama sa pag-aalaga ang gano'n. Mas nakakatuwa na ang mga ito ngayon. Nakakakita na kasi at nakakausap na kahit hindi man nakakaintindi. Sa dalawang buwan nila sa puder ng magulang ay ni minsan ay hindi ang mga ito nakalabas.


Hindi man nagsasalita si Ilheezsa ay alam niyang gusto na nitong maging malaya ulit. Malayo sa gulo at walang kahit na sinong nasasaktan. Pero sa dalawang buwan nila dito sa Manila ay tanging siya lang ang maaaring umalis ng bahay. Si Ilheezsa ay hindi pwedeng lumabas kaya hindi pa nito napupuntahan ang kapatid. Si Justine na wala na talagang pag-asa. Maaaring buhay pa ang katawan nito pero ang utak ng lalake ay wala na. Ang utak ang pinakamahalagang parte ng katawan. Ito ang may kakayahan na utusan ang katawan kaya kung wala na ito ay kahit buhay pa ang katawan ay para na rin itong patay.


Hindi alam ni Ilheezsa ang tungkol do'n at hindi niya talaga alam kung paanong sasabihin. Ayaw na niyang makita na naman itong parang walang buhay. Kumikilos pero parang walang pake sa paligid. Hindi niya na makakaya pang makita itong nagkakaganito ulit. Mahirap. Pati siya ay nasasaktan. Pero kahit ano pang isip ni Zhaac ng paraan ay wala na talagang pag-asa pang makikita. Masakit para sa kaniya dahil naging mabuti niya itong  kaibigan kahit pa may namagitang gulo. Masakit din isipin na pati ang ina nito ay hindi nakaligtas.


"My Acleezsa is sleepy na. Aren't you hungry? Hm?"narinig niya ang tinig na iyon ni Ilheezsa.

Kalong nito ang anak na babae habang kinakausap. Ang anak naman ay para bang may isip na at ngumunguso ang labi bilang sagot. Ang mapupulang pisngi nito ay nangingibabaw, idagdag pa ang kislap ng abuhin din nitong mga mata. Napakalago din ng pilikmata nito, mapupulang labi, matangos na ilong at sobrang puting balat.

Para itong mini snow white pero abuhin ang mga mata. Si Iezxul naman at Niexul ay tulog. Matakaw sa tulog ang dalawa kaya higit na malaki ang ang nga ito kaysa sa babae nilang anak. Kaya madalas na si Acleezsa lang ang nilalaro ng mga magulang niya dahil ito lang ang gising. Bibo rin ito at nakikita niyang para itong maliit na Ilheezsa kapag dating sa ugali.

Ngayong araw ay pupuntahan niya si Justine. Ang paalam niya kay Ilheezsa ay may gagawin lang siya sa kumpanya pero ayaw niyang sabihin dito na kay Justine talaga ang punta niya. Ayaw niya rin kasi na pag-usapan nila ni Ilheezsa ang tungkol dito at baka magpumilit na sumama.

"Saglit lang ako do'n, promise."hinalikan niya ito sa noo. Halata din kasi sa itsura ng nobya ang pag-aalala.

"Sige... Basta mag-iingat ka..."

"Yes, Boss."

"Boss your face. Sige na. Huwag kang magtatagal. I love you."

Natigilan pa si Zhaac ng marinig ang katagang iyon. Ilang beses na ba niyang narinig iyon? Maraming beses na pero hindi parin siya sanay. Call him weird pero kinikilig siya sa bagay na iyon. Pigil ang ngiting muli niyang hinalikan ang dalaga. Hindi naman nagtagal iyon dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at angkinin niya ito. Ilang buwan na siyang tigang at kahit pa magaling na si Ilheezsa ay ayaw niya parin itong pwersahin. Kung bakit? Natatakot siya. Baka kasi mabigla ito at may mangyaring masama.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon