~53 Manila

2.4K 85 2
                                    

***Manila***

                     NAKITA KO kung paanong natuwa si Zhaac dahil sa biglaang pagsigla ko. Maya-maya na ako nitong kinakausap at umabot pa kami sa puntong kalagitnaan na ng gabi ay nag-uusap parin. Sinabi nito kung anong nararamdaman niya noong mga panahong wala pa ako sa sarili.

Nalungkot ako ng dahil do'n. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako
Hindi ko naman gusto iyon. Sadyang nadala lang ako ng labis na lungkot at pagkabigla sa pagkamatay ni Mama. Dumating ako sa point na wala akong kinakausap pero hindi ibig sabihin no'n ay sumuko na ko sa buhay. Sadyang nalungkot lang ako kaya naging gano'n ang inaakto ko. Paulit-ulit din naman na sinabi sa'kin ni Zhaac na wala akong kasalanan. Na naiintindihan niya ako dahil hindi biro ang mga nangyari at sobra ko iyong ipinagpapasalamat. Hindi ko alam kung bakit ako biniyayaan ng panginoon ng ganitong kabait na lalake. Idagdag pang may anak na ako dito.


Pinagsisisihan ko na rin na kinuwestiyon ko ang Diyos. Tama si Zhaac, lahat ng nangyari ay nakatadhana na at walang kahit na sino ang makapipigil no'n. Iniisip ko nalang na masaya na si Mama kasama ang Papa ko kung nasaan man sila ngayon. Kahit pa maikling panahon lang ang ibinigay sa'kin upang makasama siya ay sobra ko na iyong ipinagpapasalamat.

Ngayon naman ay uuwi na kami ng Manila. Hindi parin safe pero alam kong hindi hahayaan ni Zhaac na may mangyaring masama, gano'n din ang mga kaibigan nito. Halos lahat kasi ng kaibigan ni Zhaac ay nandito para lang samahan kami sa pag uwi. Nakakalaki ng puso ang mga kabaitan ng mga ito. Kasama nila ang kani-kanilang asawa at nakilala ko si Lhiaree at Zandreah. They are bestfriend at mababait ang mga ito. Kung ituring ako ng dalawa ay para bang matagal na kaming magkakakilala. Hindi mahirap pakisamahan ang mga ito, hindi din maarte o kung ano.


Sumunod naman na dumating ay si Zhalia. At ang gaga ay nalaman kong buntis. Nalaman namin kagabi nang mawalan ito ng malay at i-check ni Lhou-Lhou na nandito rin. Wala no'n si Brendel pero nang dumating ito bandang alas dos ng madaling araw ay nakatikim ito ng suntok sa mukha galing kay Zhaac.

Galit na galit siya kaya hindi lang sapak ang natanggap nito. May kasamang sipa pa. Hindi naman lumaban ang kaibigan pero may pagtataka rito. Ayaw ipaalam ni Zhalia at nirespeto ng lahat iyon. Do'n ko lang din nalaman na si Brendel ang ama ng kaniyang dinadala. Tikom ang bibig ng lahat. Kahit pa ang mga kaibigan niyang lalake. Dalawang linggo na iyon pero ang trato ni Zhaac kay Brendel ay mas malamig pa sa yelo. Nagtatanong na ito pero kibit balikat lang ang sagot ng lahat. Sinubukan niya rin na lumapit sa'kin pero bigla nalang susulpot si Zhaac galing sa kung saan. Si Zhalia naman ay hindi talaga hinayaan ni Zhaac na lumabas ng kwarto. Maselan din kasi ang pagbubuntis nito, iyon ang sabi ni Lhou-Lhou.


Bitbit si Acleezsa ay muli kong sinulyapan ang bahay ni Yio. Ito na ang araw ng pag alis namin. Labis kong pinagpapasalamatan ang lugar na ito at ang may-ari. Nanatili kami dito ng mag-isang taon. Dito ko naisilang ang nga anak namin, dito kami naging ligtas at ngayon naman ay aalis na kami. Sisiguraduhin ko naman na babalik kami rito dahil dito din nakahimlay ang katawan ni Mama.

"Mami-miss kita, pati itong mga tabaching-ching mo."si Vlera iyon. Hindi kasi ito makakasama sa Manila dahil sa sariling dahilan.

Wala akong alam pero pakiramdam ko ay may tinataguan ito at si Yio ang tumulong sa kaniya.

"We will miss you too..."I hugged her. Mukha kasing matatagalan ang pagkikita naming muli.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon