***Iezxul, Niexul and Acleezsa***
HINDI NA alam ni Zhaac kung paanong patitigilin ang tatlo sa pag-iyak. Hindi parin kasi kumakain ang mga ito. Mabuti nalang at may dala pang new born powdered milk ang mga kaibigan niya. At mabuti din ay nandito ang ina ni Ilheezsa at si Vlera na marunong sa bata. Kaunting iyak lang ng mga ito ay natataranta na siya.Ngayon naman ay mahimbing na natutulog si Acleezsa, ang nag-iisang babae. Nabuhat na rin niya ang dalawang lalake na sina Iezxul at Niexul. Nabanggit na noon ni Ilheezsa ang pangalan na iyon dati. Mabuti at naalala niya. Aalis na rin kasi kanina si Lhou-Lhou na siya namang sinundan ni Weince.Napansin niya rin ang hindi magandang turingan ng dalawa. Ipinagsawalang bahala na lamang niya dahil labas siya sa problema ng mga ito. Nagpasalamat nalang siya.
Mahimbing na natutulog si Acleezsa sa kaniyang mga bisig. Binabantayan niya ang pag dilat nito dahil ito nalang ang hindi niya nakikita ang kulay ng mata.
Ang dalawang lalake ay maliit na dumilat kanina. At namangha ang lahat nang makitang pareho na abuhin ang mga iyon katulad ng sa kaniya. Namalayan na nga lang kanina na tumutulo nanaman ang mga luha. Hindi niya napigilan na umiyak dahil sa sobrang tuwa. Marahil dahil ito ang unang beses niya na maramdaman na magkaroon ng sariling anak. Kasama ang pinakamamahal niyang babae.
Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay nasa kwarto lahat kung nasaan ang mga sanggol. Si Ilheezsa naman ay nasa kama at hindi parin gumigising. Si Iezxul ay kalong ng ina ng dalaga habang si Niexul naman ay hawak ni Alhexe. Wala si Vlera dahil bigla na lamang itong umiyak kanina nang makita ang telang May dugo na gumamit kanina kay Ilheezsa. Agad naman siyang dinaluhan ni Yio at dinala sa kaniyang kwarto.
"Ang gwapo ng anak mo pero mas gwapo ang anak ko."May pagmamalaking ani Alhexe.
"My son is more gwapo than yours, Khei."sabat naman ni Kheilib na nilalaro ang pisngi ni Niexul.
"Sasakit lang ulo niyo sa anak niyo."boses iyon ni Brendel.
Nilingon naman niya ito at kunwari'y galit."Nakita kita with my sister, brute. At siguraduhin mo lang na hindi pa ako magkakapamangkin."seryosong sabi niya. Nanlaki naman ang mata ng kaibigan.
"W-What? You saw us?"
"Oo."
"Hindi ako 'yon!"
"Your Audi is in front of her house."
"Maraming Audi sa mundo. Hindi lang ak—"natigilan ito nang may ilabas na picture si Kiano. Larawan ni Brendel kasama ang kapatid niyang si Zhalia.
"Don't deny it."
Nag-iwas ng tingin ang kaibigan nang nahuli na ito. Sa totoo lang ay wala naman siyang kinakatakot kung sakali man na may namamagitan kay Brendel at Zhalia. Brendel is a good man and a good friend of his.Ilang beses na siya nitong tinulungan at talagang mapagkakatiwalaan ang kaibigan. Dito niya rin pansamantalang iniwan ang kumpanya kahit pa may sarili namang kumpanya si Brendel.
Madalang na pumunta si Brendel sa sariling kumpanya at umaaktong parang normal na mamamayan lang. Palaging nasa bahay at minsan naman ay nasa isla na pag aari nito. Kampante siya kung mapunta man dito ang kapatid pero kung sakali man na umiyak si Zhalia dahil sa kaniya ay tiyak na may mangyayari.
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...