***His Friends***
"ANO BA?! Ako ang kuya mo at alam ko ang mas makakabuti sa'yo!"
"Wala akong pake! Tsaka, tignan mo nga ang itsura ni Zhaac dahil sa ginawa mo! Ang panget na niya! Pa'no kung hindi na bumalik sa dati 'yang mukha niya?"hindi ko pagpapatalo.
"You know nothing."nawalan ng emosyon ang mata nito. Saglit akong natigilan sa nakitang dumaang galit sa Mukha niya.
"Justine. Sabihin mo nga sa'kin kung bakit galit ka kay Zhaac? At kung bakit sa'kin ka humihingi ng tulong dahilan ng pagkulong mo sa'kin dito?"
Mabilis naman na napalitan ng pag-aalinlangan ang ekspresyon sa mga mata nito. Saglit na bubuka ang bibig pero ititikom.
"I... I can't tell you."
"Yes, you can."
"No—sorry... I can't."
Nagmamadali itong umalis upang tumakas sa usapan. Hahabulin ko pa sana siya nang pumasok si Mama sa kwarto. May dala dala itong first aid kit at inabot sa'kin.
"Ayos lang ba siya?"tanong nito.
Hindi maka-tingin na tumango ako bago sumagot. "Hindi ko po alam... Dadalahin ko nalang siya sa hospital."
"Alam kong hindi mo alam kung pa'no akong pakikitunguhan ngayon, anak. Naiintindihan ko at gagawin ko ang lahat, maging malapit lang tayo."malambing na sabi pa Mama. Nahihiyang nagbaba lang ako ng tingin bago tipid na ngumiti.
Inaamin ko. Sa isang linggo na kasama ko siya ay hindi parin gano'n kadali na makasama ito. Para bang ako ang nahihirapan dahil na din sa galit ko sa sarili. I mean, I think I don't have the right to get mad. Wala akong alam sa pinagdaanan nila no'n pero pinupuno ko pa ng galit ang aking sarili dahil sa pag-aakalang iniwan ako ng mga ito. Pakiramdam ko nga ay isa akong masamang anak para magtanim ng sama ng loob.
Naisumpa ko pa noon sa sarili na kahit kailan ay ayaw ko na silang makita.
"Oo nga pala. Parang pamilyar sa'kin iyang nobyo mo. Para bang nakita ko na siya noon."
"Talaga po?"
"Hindi ako sigurado kung saan pero alam ko, nakita ko na siya no'n. Ano nga'ng pangalan niya?"
"Zha---"
Pareho kaming natigilan ni Mama nang makarinig ng kalampugan sa baba. Nagmamadali pero bahagyang nag-iingat kaming bumaba at pitong naglalakihang lalake ang bumungad sa'min.
Ang dalawang lalake na mag-kamukha ay hawak si Justine sa magkabilang braso habang ang isa naman ay hawak ang kuwelyo niya at akmang susuntukin. Ang lahat ng atensyon ng mga ito ay nabaling sa'kin nang maramdaman nila ang aming presensya.
"S-Sino kayo?"tanong ni Mama. Mababakasan ang pagpa-panic.
"Where's our friend? Ow—wait. You're his girl, right?"mula sa likod ng mga kalalakihan ay nakita ko si Yio Alcala.
He's wearing a fitted black sando, showing his tattoos and paired it with black pants.
"O-Oo... Pero anong ginagawa niyo? Bakit niyo hawak si Justine?"nawala ang kaba ko nang mapagtanto na kaibigan itong lahat ni Zhaac.
"This f*cker k*dnapped you and we're going to teach him a lesson."
"Hala, hoy! Kapatid ko 'yan!"napa-sigaw ako nang hatakin nila papalabas si Justine. Agad na napalingon ang lahat.
"He's your what?!"sabay na sigaw ng tatlo na hindi ko kilala. Actually, si Yio lang talaga ang pamilyar sa'kin.
"He's my brother... It's a long story, but can you help me muna? Dalahin natin ng ospital si Zhaac."
"Why?"tanong ng lalakeng asul Ang mata. Kagat labing sumagot naman ako.
"Binugbog niya."turo ko kay Justine na seryoso lang.
"Aba't—"
"Tama na, we need to bring him to the hospital."
Ani ng isang baritonong boses sa likod ko. Nang lingunin namin ni Mama ay nakita namin ang isa sa kambal.
Pa'nong nakapunta siya d'yan? At saan siya galing?
"Actually, he's tottally fine. Kaya 'wag nalang."dugtong nito bago bumaba ng hagdan.
Si Mama naman ay tahimik na nakikinig lang sa tabi ko. Nawala narin ang pangamba sa kaniyang mukha.
"Sino ba kayo?! At bakit ang lakas ng loob niyong tumapak sa bahay ko?!"sigaw ni Justine dahilan upang muling bumalik sa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Don't talk to us, bro. We're mad because of what you did to our friend but you're his girlfriend's brother kaya palalampasin namin ang kagaguhan mo."sabi naman ng abuhin ang mata.
Gray din ang mga mata niya pero hindi katulad ng kay Zhaac. Parang misty gray. Gano'n. Ang buong akala ko ay magsisialisan sila pero nagulat ako nang nag kaniya-kaniya itong upo sa sofa at sahig. Ang dalawa ay tinahak ang daan papunta sa kusina at pagbalik ay may dala nang case ng alak.
"Let's drink. Gusto ko matulog. Napuyat ako kakabantay kay Ul."ani ng may asul na mga mata.
"Yeah."
"Let's get wasted."
"Tama."
Pag sang ayon ng lahat.
"Para sa isang buwan na kulang na tulog!"sigaw pa ng isang lalake. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Ilheezsa, paalisin mo sila!"
Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Justine. Dahil nasa magkakaibigan ang buong atensyon ko. Nagulat pa nga ako nang hatakin nila si Justine at abutan din ng alak.
"We know, Dude. Alam namin so 'wag kang galit-galitan. S*kalin kita d'yan eh."
"Don't call me Dude and don't touch me! Umalis kayo sa bahay ko at isama niyo na ang kaibigan niyo."galit parin na sabi ni Justine pero hindi naman umalis sa pwesto at ininom ang iniabot na alak ng iba.
Nabuntutan lang ng tawa ang sinabi niyang iyon bago nagkaniya kaniyang usap ang lahat. Para bang normal lang ang araw n 'to at nagkakasiyahan ang magkakaibigan. Pasimple nalang akong napangiti nang ma-realize na swerte si Zhaac sa mga kaibigang mayroon siya. Alam kong mabubuting tao ang mga ito base na din sa nakita kong pagpunta nila dito upang hanapin si Zhaac.
Nang lingunin ko si Mama ay naka-tingin ito sa'kin. Pareho kaming napa-iling bago bumalik sa kwarto kung nasaan si Zhaac. Mahimbing parin itong natutulog. Kahit pa medyo maga ang mukha ay hindi nabawasan ang kapangitan nito. Ewan ko pero ang pangit niya ngayon. I mean, habang tumatagal ay pumapanget siya sa paningin ko.
Pinagtiya-tiyagaan ko nalang dahil hinahanap hanap ko ang amoy niya at syempre, para may mautusan din akong bumili ng makakain.
———
~❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...