***Crush***
KUNG KUMALMA ako kanina, ngayon ay hilong hilo ako. Paki-ramdam ko, naalog ng todo ang utak ko. Paki-ramdam ko nga nanlalaki ang ulo ko sa sakit. Masyadong malakas ang hatak ng Annabelle na 'yon kaya mahapdi sa anit.
Pero hindi ko naman pinagsisihan! Kulang lang ng apat na sampal pero sarap naman sa pakiramdam. Yung mukha niya kanina, nakakatawa. Umiiyak na pala si gaga kaya nagkalat ang mascara nito.
Sa'kin water proof!
Ngayon naman ay para itong batang nagpapakampi sa magulang dahil inaway ng kapwa bata. Naka-upo siya sa tapat ng table ni Sir Ul, ako naman ay naka-kandong kay boss habang gina-gamot nito ang maliit na kalmot sa mukha ko.
Wait, what? Naka-kandong?!
Ngayon ko lang namalayan ang pwesto namin dahil nga sa sinabi niyang kumalma ako! Nag uumpisa nanaman gumapang ang init sa katawan ko.
Sh*t!
Abala ito sa ginagawang pag gamot sa mukha ko habang ang isa naman nitong kamay ay mahigpit na nakapulopot sa baywang ko. Kung umakto siya ay para bang normal na naming ginagawa 'yon!
Pigil ang hiningang nag-iwas ako ng tingin nang wala sa sariling bumaba ang paningin ko sa labi niya.
Ugh! Patikim!
Nang balingan ko ang isa ay napa-tili ako.
"Hey, why?"tila gulat din na tanong sa'kin ni Sir Ul.
Sinapo ko ang dibdib upang pakalmahin ang sarili.
"A-Ano... Akala ko kasi multo."patukoy ko kay Jenna na tila nabasang painting na ang mukha.
'Di na maintindihan.
"What do you want to say?! Na mukha akong multo?!"bulyaw nito. Mabilis na nagbago ang mood nito.
Kung kanina ay parang batang api, ngayon naman ay parang multong nais mag higanti.
"Jenna... Sinabi kong umalis kana, bakit nandito ka parin?"kalmadong tanong naman nitong may kandong sa'kin.
"Ano ba, Ul?! Bakit kinakampihan mo siya?! Look oh, marami akong kalmot because of her tapos masakit pa ang paa at braso ko dahil itinulak niya 'ko! Pero ano? Ginagamot mo ang isang pirasong kalmot sa mukha niya samantalang ako, pinababayaan mo!"muli nanaman itong pumalahaw ng iyak.
Ang arte!
Habang pinapanood ko ito ay may basta nalang pumasok sa isip ko na kalokohan.
Try natin, malay mo bumenta.
Yumuko ako at pinilit ang sariling umiyak na nagtagumpay naman. Impit akong kunwari'y umiiyak sabay pahid ng luha bago tumingin kay boss na may malaking gulat na naka-paskil sa mukha.
"U-Uy... W-Why...are you crying? May masakit ba sa'yo?"napuno ng pag aalala ang mukha nito.
Parang bata naman na tumango ako.
"Saan? Should I take you to hospital?"
Mas ginalingan ko pa ang pag-arte. WHAHAHAHAHA! Epektibo!
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
عاطفيةWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...