***Uy Oh***
ISANG LINGGO SA puder ng baklang 'yon ay naging maayos naman ang trato niya sa'kin. Sa katunayan nga ay buong linggo lang kaming nasa bahay niya. Walang labas-labas. Tapos siya pa ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Natutuwa naman ako do'n. Hindi dahil sa naappreciate ko ang ginagawa nito, kundi dahil wala na nga akong ginagawa, sumasahod pa ako. Dagdag pang kain tulog lang ako.
Pero ang hindi nakakatuwa ay pinagbawalan ako nitong lumabas sa buong linggo. 'Yon ang huli niyang sinabi no'ng last na nagtalo kami. Hindi na nasundan ang usapang 'yon, o usapan ba na matatawag 'yon.
I don't want to talk to him. Hindi pa nga namin napapag usapan ang naabutan ko sa bahay. Bakit siya nagpakilalang boyfriend ko? Like, what the pokeng pak? Sarap talaga sàkalin ng baklang 'yon. Nakakairita siya. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Nakakaloka ang bawat kilos nito.
Nasa kalagitnaan pa ako ng pag iisip nang bumukas ang pinto. Kumalat agad ang panlalakeng amoy nito sa buong kwarto na tinutuluyan ko. Hindi masakit sa ilong. Sakto lang.
Pinanligo ba nito ang pabango?
Nakataas ang kaliwang kilay nito habang nakapamewang. Lumalabas na naman ang kabaklaan.
"Maligo ka at may pupuntahan tayo."
"Ayoko, tinatamad ako."kunwari'y tanggi ko pero ang totoo ay naatat akong bigla.
"We'll go to the mall."
"Ayoko nga."tanggi ko pa pero gusto ko nang tumakbo ng banyo para mag gayak.
"C'mon, libre ko. You can get whatever you want."
Do'n na ako bumigay. Nagmamadaling bumangon ako para maligo at inayos ang sarili. Muntik pa nga akong madapa sa kamamadali dahil baka may regla ang bakla at iwan ako.
I'm still mad pero kung libre, Shurrr! Mepepeg usepen nemen 'yen. Buryong na buryong na din ako dito sa bahay. Ikulong ba naman.
***
NAGING MABILIS naman ang biyahe at nakarating kaming mall. Tinotoo nito ang sinabi na pwede kong kunin ang mga gusto ko. Sinubukan ko pa nga kumuha ng branded na bag at mga pabango kung nagbibiro lang pero inirapan lang ako ng bakla sabay tango.
Grabe tuwa ko habang bitbit sa counter ang mga make up na mahal ang mga presyo. Hindi ko alam ang mga brand no'n dahil basta nalang akong makadampot.
I'm not a make up lover. Gusto ko lang mangulekta. Hindi naman akong masyadong gumagamit nito, gagawin ko lang display sa kung saan o kaya palaman ng bag.
Walang reklamo naman na nagbayad si Zhaac. Kada maabot ng kamay ko ay sesenyasan pa niya akong kunin, like, go on, you can get whatever you want nga.
Lumabas kami ng botika na iyon. Wala akong kahit na anong bitbit dahil nagpresinta naman siya na siya na ang magbubuhat. Parang wala lang naman sa kaniya dahil malaki ang pangangatawan nito.
Nakaramdam ako ng gutom at wala sa sariling napahawak sa t'yan ko. Mula sa hindi kalayuan ay isang Thai restaurant. Nang lingunin ko si Zhaac ay nauna na pala itong tutungo doon bitbit ang lahat ng pinamili ko... Na binayaran niya.
Malalaki ang hakbang nito kaya lakad takbo pa ang ginawa ko para maabutan siya. Nang tuluyan na makapasok sa restau, ito na mismo ang nag order habang bitbit parin ang napakaraming paper bags at ito naman ako, chill chill lang na nakaupo sa pang dalawahang table.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at masasabi kong mukhang yayamanin ang mga narito. Kakaunti lang ang tao pero may isang lalake ang panay ang tingin sa table namin. Nasa tabing table lang namin ang lalake. Hindi ko pa nga namalayan na nakaupo na pala sa tapat ko si Zhaac. Seryoso itong naka-tingin sa menu.
Huh? Bakit may menu? Akala ko um-order na siya? Eh anong ginawa niya do'n?
May waiter na lumapit sa'min. Natakot pa nga ako dahil first time ko rito. Kinuha ko ang menu na agad ko ring pinagsisihan.
Jusko! Napakamahal ng pagkain! Tapos ang liit pa ng plating. Ano 'to? May ginto sa loob?! Halos sahod ko na sa isang linggo ang presyo ng isang dish. Partida, 'yon pa ang pinaka mura. Kalmadong ibinaba ko ang menu.
"May I take your order Ma'am, Sir?"
"Huh? A-Ah..."binalingan ko si Zhaac."Katulad nalang ng sa kaniya."I said.
Napansin siguro ng bakla na kinakabahan ako kaya may ngisi na agad na naglaro sa labi nito.
Bakit ngayon pa ako nahiya?!
Halos ang kapal ng mukha ko kanina kung makadampot ng mga mamahaling gamit. Tapos ngayon na. Baka mga nasa half million ang total bill ng lahat eh. Mula sa damit, make ups and bags, isama mo na ang tatlong pares ng mamahaling sapatos na galing pa sa ibang bansa. Tutal, sabi niya libre niya eh, nilubos lubos ko na. Masamang tanggihan ang baklang madatong baka maimbyerna sa'kin.
Dumating ang ibat ibang uri ng pagkain na ngayon ko lang nakita at matitikman sa tanang buhay ko. My mouth water when I saw a... What is this? Ugh, basta! Mukhang masarap ang lahat ng nasa mesa kaya kumalam na talaga ang sikmura ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapansin na naman yung lalake na nasa kabilang table na panay ang tingin sa gawi namin. Kinuha ko naman ang atensyon ni Zhaac at pasimpleng ininguso ang lalake sa kabila."Uy oh. Type ka yata, look."mahinang bulong ko.
Walang pag aalinlangan naman niyang nilingon ang kabilang table bago marahang tumango tango.
"He's cute, right? Mukha din matalino. Pasok ba?"para akong tangang bubulong bulong habang siya ay kalmado.
"Yeah, I think so."
"Lakad kita, gusto mo?"
"Ayokong makipag relasyon ngayon."
"Choosy ka bakla?"
Nandilim ang tingin nito.
"Don't call me bakla in public."tiim bagang na sabi nito.
"Why? Bumubulong lang naman ako. No one can hear me."
"I can hear you."
"Ikaw lang naman."
"Kahit pa."
"Dami mong sinasabi, ano? I will get his number para sa'yo, gusto mo?"
"I don't need his number."
"Hoy! Arte mo ah!"mabilis kong naikom ang bibig dahil sa medyo pagtaas ko ng boses.
"Lower your voice, baby."
And now, he's calling me baby again. Ano ba talagang problema ng baklang 'to? Hinahanapan ko na nga ng love life, ayaw pa.
"Tse! Ikaw na nga tinutulungan, ayaw mo pa."
"I don't need your help. Kaya kong humanap ng karelasyon ng walang tulong ng iba so, please? Kumain ka nalang d'yan ng makauwi na tayo."
"Uuwi na tayo? Eh bakit tayo pumunta dito? Wala kang bibilhin."
"Shut up and finish your food."
Arte talaga!
———
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomansaWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...