***Baby***
ILANG ORAS akong nagsisisigaw rito pero ang isa ay parang walang naririnig. Kampante itong nakaupo sa dating pwesto habang may binabasa na hindi ko naman alam kung ano at wala akong pake. Napirmahan ko na ang papel pero hindi ko parin talaga tanggap. Ayoko pero malakas mang blackmail ang bwisit na bakla!
Tsaka, Baby? Baby niya mukha niya! Akala ko ba bakla siya? Kung umakto ito ngayon, akala mo, hindi ako pinandirian no'ng nakaraan.
Tahimik siyang nagbabasa habang walang pakialam sa'kin. Pinag umpisa na niya ako ngayong gabi. Ang mas ikinagulat ko ay ang pagdating ng tauhan niya bitbit ang mga gamit ko. Tinanong ko kung basta nalang ba nilang kinuha pero ang sagot ng mga ito ay tinulungan sila ni lola. Hindi naman na ako magre-reklamo sa sahod dahil halos triplihin niya iyon.
Pero ayoko na sa kaniya magtrabaho! Matabil ang dila ng baklang 'to at 'yon ang hindi ko magugustuhan. Nakakairita siya!
"Pwede ba? Utusan mo na ako kung anong gagawin ko dahil bwisit ka, tinakot mo 'ko."
"Nag order na 'ko ng food for us, and after that, ihahatid kita sa magiging kwarto mo."
"Hindi. Kailangan ko umuwi dahil walang makakasama ang lola ko."
"I hired a nurse for her. Hindi na siya mag iisa at may mag aalaga sa kaniya na alam ang kalagayan niya."
"Pero..."
"No buts, Ilheezsa."
Muli sana akong makikipag argumento nang tumunog ang bell.
"Stay here, kukunin ko lang 'yon."
Naiwan sa ere ang iba ko pang sasabihin nang hindi na nito ako pansinin. Bastos na bakla.
Ignoring me pala ah? Pwes!
Kung nakakaya niyang hindi pakinggan ang sinasabi ko, kaya ko rin siyang hindi pakinggan. Magkamatayan na, hindi ako magsasalita.
Nang marinig ang yabag nito ay agad akong tumalikod sa dating pwesto niya sa sofa. In short, nakaharap ako sa sandalan ng inuupuan ko.
"Let's eat first."
Hindi ako kumibo. Nakahalukipkip na tinignan ko ang mga bagay na naaabot ng mata ko. Mula sa mga malalaki hanggang mga abubot.
"Ilheezsa, let's eat."hindi parin ako kumibo. "Are you ignoring me?"deadma.
Pinilit kong ifocus sa mga nakikita ko ang isip. Bahala siya sa buhay niya! Tutal, hindi niya naman ako pinapansin ay gano'n nalang din ang gagawin ko.
"Are you really like that?"
Bahala ka d'yan.
"Look at me."
Look your face!
"Should I tell to lola Beth about what happened between us?"
Sabihin m----Natigilan ako sa sinabi nito. Mabilis pa sa alas kwatro akong umayos ng upo at nag umpisang kumain. Hindi ko parin siya kikibuin.
"Good. Ubusin mo 'yan para makapag pahinga kana."
Hindi parin ako umimik. Nag eenjoy na ko sa food dahil masarap ang mga pagkain na nasa lamesa. Ngayon lang ako nakakain ng ganito, sana may sunod pa.Sige lang ako lapang ng lapang habang siya naman ay pinanonood lang ako. Nakakairita man pero hinayaan ko nalang dahil sabi ko nga ignore him.
Natapos nga akong kumain at siya pa ang naglinis ng pinagkainan ko. Siya ang lahat ng kumilos habang ako? Nakaupo lang kung saan ako iniwan. Pag balik niya galing sa kung saang parte ng bahay ay inaya ako nitong sumunod sa kaniya.
Umakyat kami sa ikalawang palabag ng bahay at do'n na talaga ako napanganga! Maraming kwarto at isa do'n ay nakabukas. Kita ang napakaraming libro at nagtataasang shelf!
Madadaanan namin 'yon kaya nang nakaabot na kami ay agad agad akong pumasok pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay may humawak na sa damit ko at hinatak ako palabas.
"Hindi ka pwede dyan."he whispered.
Bakit siya bumubulong?
Hindi ako nagsalita. Nagpumilit ako ritong maka-wala. Ikot na 'ko ng ikot para mabitawan niya pero ang lakas ni bakla. Gusto ko lang naman tignan ang bawat libro. 'Yon lang! Tapos nakapadamot! Kaya ang ginawa ko ay hinubad ko ang aking pang itaas sabay takbo ng nakabrassier lang sa loob.
Narinig ko pa ang pagsinghap nito bago malakas na tinawag ang pangalan ko. Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa maka-lapit sa pinakamalapit na shelf at tinignan ang mga libro.
Halos mapa wow pa ako nang makitang gawa iyon ng mga sikat na manunulat sa bansa. Ang iba ay taga labas pa ng bansa ang sumulat. May pagmamadaling kinuha ko ang isa do'n at tumakbo ng mabilis dahil naririnig ko na ang yabag ng isa.
"Ilheezsa Ojano! Don't run and come here. Now."mariin na utos nito pero hindi ako nakinig.
Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa umabot na ako sa dulo ng kwarto. Pagod na sumandal ako sa pader at do'n napagtanto na wala nga pala akong pang itaas nang maramdaman ang lamig.
Agad na hinarap ko ang libro para basahin ang nasa likod na bahagi no'n pero bago pa man ako makapag umpisa ay may bumuhat na sa'kin!
Napatili ako sa gulat at nabitawan ang libro. Ang matitigas na braso nito ay nakapulupot sa baywang at ang isa naman ay sa aking likod ng tuhod. I automatically wrapped my arm around his neck.
Hindi na ako gumawa ng kahit na anong ingay dahil ayoko siya kausap. Ayoko makipagtalo. I want to ignore him. Pero pa'no ko gagawin 'yon kung ito ang lapit ng lapit at hindi titigil sa ginagawa niya sa'kin.
"You're running like a kid. You're half naked for f*ck sake! And now you're giving this gày a f*cking... F*ck, Baby..."
Nagulat ako sa lumabas sa bibig nito. Nanayo ang lahat ng balahibo ko and I can feel the hit between us!
And why the hell he keep calling me baby?!
————
Thanks sa follow, vote and comment mga Luvs! ❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...