***Tears***
HAWAK ANG kamay ng kapatid, hinayaan ni Ilheezsa ang sarili na umiyak. Sobra-sobra na ang bigat na nararamdaman niya. Walang balita o tawag man lang mula sa ama ni Zhaac. Nag-aalala na siya na baka may masama nang nangyari. Masyado nang nagiging paranoid si Ilheezsa at kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya.
Mula pag gising kanina ay hindi na maganda ang nararamdaman niya. Para bang may mangyayari at pinaghahanda siya. Hindi niya nga alam kung bakit naisipan niyang dalawin ang kapatid kahit pa mahigpit na bilin sa kaniya ni Zhaac ay huwag umalis ng bahay.
Nagpaalam naman siya sa ina ng nobyo at pumayag ito. Ang mga anak naman ay iniwan niya muna saglit at nando'n naman si Lhiya at Zandreah. Nag-aalala rin ang mga ito pero wala naman siyang nakikitang paninisi. Nasa kapahamakan ang mga nobyo ng mga ito dahil gustong tumulong. Wala siyang narinig sa dalawa kundi ang mga katagang 'magiging maayos din ang lahat' at 'magpakatatag ka'.
Kahit na gano'n ay hindi parin nabawasan ang pangamba sa kaniyang dibdib. Hindi siya makakampante hanggang wala ito sa tabi niya. Hindi biro ang kinalalagyan ngayon ni Zhaac at ang tanging kaya niya lang gawin ay magdasal sa panginoon na sana, ayos lang ang lalake.
"Uy... Gising na..."
Pagkausap niya sa kapatid. Kahit hindi sabihin ng mga kaibigan ni Zhaac o Zhaac mismo ay alam niya... Na mababa ang tiyansang magising pa si Justine. Pero kahit na gano'n ay umaasa pa rin siya na magigising ito.
Wala sa kamay niya ang desisyon sa sasapitin ng kapatid pero tanggap niya kung ano man ang mangyayari. Susulitin niya ang mga panahong kaya niya pa itong makita at mahawakan. Kahit sa sandaling panahon na nakasama niya ang kapatid ay naging mabuti ito.
Sobrang buti...
Madalas silang mag-asaran pero hanggang doon lang iyon. Walang magagalit o sasama ang loob. Sa katunayan nga ay pakiramdaman ni Ilheezsa ay magkasama na sila simula nang mga bata pa sila kung magturingan. Ibang klaseng kapatid si Justine. Ibang klaseng anak at kaibigan. Matigas at masakit manalita minsan pero nakalambot ng puso nito.
Maswerte siya na magkaroon ng ganitong kabuting kuya at kung pagbibigyan man na mabuhay ito ng mahaba ay hindi niya sasayangin ang mga segundo, minuto o oras na kasama niya ang kapatid. Ni hindi niya pa nga ito natatawag sa paraan na nararapat.
"Kuya... Gising na d'yan... Huwag ka munang sumama kay Mama..."
Pinahiran niya ang luha nang mag-umpisa na naman iyon na tumulo. Mahapdi na ang mga mata pero hindi iyon tumitigil maglabas ng luha. Kahit ilang beses niyang pigilan.
"Lagi kitang tatawaging kuya kung gusto mo... Basta bumangon ka lang d'yan. Kahit pa hindi ako sanay... Pwede mo akong asarin kahit kailan mo gusto..."
Patuloy niyang hinaplos ang mga mapuputlang palad ng kapatid. Bagsak na ang katawan nito. Hindi tulad noon na talagang napakalaki at ganda ng katawan. Hindi na rin biro ang kulay ng kapatid. Maputi na maputla.
"Si Lola... Nagpapaalam na rin sa'kin kahit malakas pa siya... Lagi niyang sinasabi na ilang araw o linggo nalang at aakyat na siya paitaas."bahagya siyang natawa pero puno parin ng luha ang mata. "Plinano niyo siguro ang pag-iwan sa'kin, 'no? Nagplano kayo ng hindi ko nalalaman? Bakit? Kuya... Gano'n ba ako kadaling iwan? Una, si Papa, na hindi ko nakita ng personal. Pangalawa si Mama, na hindi ko manlang nakausap o nayakap sa huling pagkakataon. Ngayon naman, pareho kayong nagpapaalam ni Lola... Ayoko nang ulitin na kwestyunin ang panginoon. Pero kuya, masakit eh. Nito lang tayo nagkita-kita pero mabilis din kayong nawala..."
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...