***Who are you?***
HABANG NAKAHIGA sa kama ay hindi ko maiwasang isipin si lola. Dalawang linggo ko na itong hindi nakikita at nag aalala ako. Lagi naman daw kinakamusta ni Zhaac si lola and she's doing fine naman daw.
Pasimple kong hinahaplos ang wala pang umbok na t'yan. Tanggap ko na ngayon na buntis ako kaya hindi na din ako gano'n na nag iisip. Lahat naman ng pangangailangan ko ay naibibigay ni Zhaac. Ang sahod ko na pilit ko mang tanggihan ay binibigay parin nito. Katwiran niya ay gusto niya lang daw na sahuran ako.
Edi thank you!
Patuloy kong hinaplos ang sariling t'yan. Nagugutom na naman ako and Zhaac is not here para utusan ko na bumili. A-attend daw siya sa meeting dahil kailangan daw siya do'n. Pumayag na ako dahil ito ang unang beses na nagpaalam siyang umalis para sa trabaho. Nakakatawa lang dahil para bang asawa ako nito kung makapag paalam siya kanina. Humalik pa sa labi at nagbilin na magsara ako ng bahay at walang papapasukin na kahit sino. Naghanda na din ito ng makakain ko bago siya umalis.
And now, pasado alas dos na ng tanghali pero wala parin siya. Gusto ko mang tawagan pero baka busy ito sa trabaho at maka abala pa ako. Muli sana akong matutulog nang may mag door bell. Hindi kasi kita sa kwarto ang gate dahil nasa parteng likod ito ng bahay. Kaya sa halip na hindi pansinin ay bumaba ako para silipin kung sino. Baka mahalaga o kaya naman kaibigan ni Zhaac.
Nang maka-baba ay sumilip muna ako sa peephole ng pinto at nakita ang kung sino sa labas. Pumunta ako sa gilid ng pinto para gamitin ang hindi ko malaman kung anong tawag dito. Sabi ni Zhaac, pindutin ko lang daw red button para marinig na ako ng kung sino sa labas ng gate.
"Who are you?"
"Oh, hi! I am Ul's friend and may mga kailangan akong i-discuss about business."
"Huh? Pero wala siya dito."
"I can wait."
"O-Okay. Tara sa loob."
Kinikilabutan ako sa paraan ng pagtingin nito sa'kin. Para bang binabalatan ako nito at inaalam kung sino ako. Pinagsawalang bahala ko nalang dahil baka mali lang ako ng nakikita.
"Gusto mo ba ng maiinom? Juice,coffee or cold water?"
"No... I'm okay..."
Mabilis akong nag iwas ng tingin nang tignan ako nito mula ulo, nagtagal sa katawan bago bumaba ng paa.
"So... You're Ul's girlfriend?"
"O-Oo."
Wala sa sariling hinaplos ko ang sariling t'yan dahil naiilang ako. Hindi na nito tinanggal pa ang tingin sa'kin and it scares me.
"Do I make you uncomfortable?"tanong nito.
"H-Huh? Ah, a-ano. Kaunti lang. Gusto mo ba ng makakain?"tanong ko rito habang paulit ulit na hinahaplos ang sariling t'yan.
"Why do you keep carressing your tummy? Are you pregnant?"sa halip ay tugon nito.
"Ah, oo. Seven weeks."
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero nakita kong nanlisik ang mata niya habang naka-tingin sa t'yan ko.
"I have to go. Pakisabi nalang na pumunta ako."
"Sigurado ka?"
"Yes."
"A-Anong pangalan mo?"
"Justine... Justine Delos Santos."
Hindi na nito hinintay pang makasagot ako at may parte sa'kin na nagpapasalant na umalis na siya. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang presensya nito. Para bang may gusto siyang gawin sa'kin kanina. Ang sandaling panlilisik ng mata nito at ang galit do'n. Nakita ko. Nang sabihin kong buntis ako ay do'n ko nakita. He's mad... Really mad. I can feel it.
Dumating ang hapon na hindi na nawala sa isip ko 'yon. Para bang may mangyayaring hindi maganda dahil sa pagpapasok ko rito. Ayoko na ulit siyang makita. Naka-higa ako sa kama—dahil 'yon lang naman ang ginagawa ko araw araw—nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwa no'n si Zhaac. He looks tired.
"Ilheezsa... Sorry, natagalan ako. Nagkaroon lang kasi ng kaunting problema sa kumpanya."
"Anong nangyari?"
"Huwag mo nang isipin. Naasikaso ko naman na."
"May secretary kana? Kailan pa?"
"Yeah, nitong nakaraang linggo lang. Dad hired him."
"Ow, lalake ha."
"He's fifty years old, Baby."
Namula ako sa naisip. Akala ko ay bata na maari niyang matipuhan. And now, he's calling me Baby.
Bakla ka pa ba?...
Hindi ko na naisatinig ang tanong nang humiga ito sa tabi ko. Ang kanang kamay ay humaplos sa aking t'yan na wala pang umbok habang ang isa ay inilusot niya sa ilalim ng aking batok para maging unan.
"May pumunta pala dito. Kaibigan mo daw."pag iiba ko ng usapan.
Nag umpisa nanaman itong halikan ako sa noo at haplusin ang aking t'yan.
"His name?"
"Justine Delos Santos daw."
Natigil ito sa ginagawa nitong paghimas sa t'yan ko. Tila ba may sinabi akong mali.
"Bakit?"
"Did I heard it right?"
"O-Oo... Bakit?"
"Kung bumalik siya dito, 'wag na 'wag mo siyang patutuluyin."
"Bakit?"
"Basta! He's not my friend... Not anymore..."
***
HINDI NA bumalik si Zhaac, matapos na mag walk out. Hindi ko na sinundan dahil para bang may importante siyang gagawin... ulit... Nabasa ko sa mata nito ang pag aalala para sa'kin. Nakita ko pa kung paanong sinuyod niya ng tingin ang katawan ko bago siya umalis. Alam kong may mali at hindi niya sasabihin sa'kin 'yon. Pero bakit kung umakto ito ay para bang may mangyayari at hindi maganda na nagpakita ang Justine na iyon.
Baka naman ex niya 'yon? Who knows? Kung oo ay wala na akong magagawa. Kung hindi naman. Aalamin ko.
Justine Delos Santos...
———
~❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...