Anong ibig sabihin nito?
Iyon agad ang unang naging tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang nais ipahiwatig ng nag-iisang nakasulat sa loob ng papel. Natigil ang aking malalim na pag-iisip, at mabilis kong naitago sa aking likod ang sobre ng magbukas ang pinto ng aking kuwarto. Niluwa noon ang aking kapatid. Si Prince Crusoe.
"What are you doing? Nakailang katok na ako pero hindi ka sumasagot." Malalim ang kanyang boses at mukhang inis sa hindi ko pagsagot sa kanya.
"Nalibang lang ako sa pagtanaw sa baba, Prince Crusoe..." hindi siya nagsalita at tuloy-tuloy na pumasok sa aking kuwarto.
"Kumusta ang pasok mo ngayon?" hindi inaasahan na iyon agad ang una niyang itatanong sa akin.
Dahil doon ay nabuhayan ako ng loob na ikuwento sa kanya ang mga nangyari kanina. Malaki ang aking naging ngiti sa labi at sinimulan ng ibahagi ito sa kanya. Umupo siya sa aking silya at nagmumukha siya malaki dahil doon. Habang patuloy ako sa pagsasalita ay kumuha siya ng isang aklat na nakalagay sa raketa ng libro at binuksan ito.
"Masaya magturo si Gurong Reona. Kaya hindi na katakataka na naging guro niyo rin siya. Isa pa, hindi niya pinagtawanan ang aking iginuhit na mansanas kahit hindi ito mukhang mansanas."
Nag-angat siya sa akin ng tingin. At tumango-tango. Isinara niya ang libro at tumayo mula sa pagkakaupo.
"In short, you enjoy the whole class this day." Magiliw akong tumango.
"At siguro'y bukas ay marami pa kaming aktibidad na pag-aaralan ni Gurong Reona." Sabi ko pa at pinanood ang pagbalik ng aking kapatid sa pinagkuhanan niya ng libro.
"Where's your servant?" natigilan ako ng bigla niya itong itanong.
"Ah, si Adina? Marami siyang ginagawa ngayon. Iba-iba ang trabaho niya rito bukod sa pagsama sa akin, Prince Crusoe." Nangunot ang kanyang noo bago tumango.
"Aalis na ako. Make sure you won't do stupid things that will make the queen angry." Ngumuso ako.
"I will, brother..." yumuko ako.
Hinatid ko siya hanggang sa makalabas ito ng aking silid. Nakapagtataka talaga kapag bigla na lamang lilitaw ang aking mga kapatid sa aking silid. Hindi nila ito madalas gawin, lalo na si Prince Crusoe. Bukod sa masungit ito sa akin ay talagang iwas siya sa tao.
Nang masiguro na wala ng ibang taong naroroon ay binalikan ko ang sobra na mabilis kong naitago sa pagitan ng mga papel na nakalatag lang sa aking mesa. Bumuntong-hininga ako ng makitang maayos lang ito roon.
Naupo ako sa aking silya at binaliktad muli ang sobre para makahanap ng bakas patungkol sa nakasulat roon. Ngunit wala kahit ano. Kinuha ko ang pulang rosas at inamoy ito. Mabango ito. Nagdesisyon akong ilagay ito sa aking kuwaderno at inipit.
"Herensuge?" nagtatakang tanong ni Adina ng mabanggit ko sa kanya 'yon
"Hmm, alam mo ba?" ngumiwi siya at umiling.
"Mahal na prinsesa, wala akong pinag-aralan at ang salitang 'yan ay bago sa akin." ngumuso ako.
Iyon agad ang napag-usapan namin ni Adina pagsapit ng gabi ng pumunta siya sa aking silid. Bukod sa hindi ito maalis sa aking isip ay hindi ko na rin napigilan na mabanggit ito sa kanya. Bakit nga ba tinanong ko pa si Adina.
Kinalimutan ko na lang din kung ano ang ibig sabihin no'n. May mga puwede naman akong pagtanungan ngunit nahihiya rin naman ako at mas magandang isekreto ko na lang na may nagpadala sa akin ng sulat... wala nga lang laman. Wala naman sigurong masama roon lalo't sa akin naman 'yon binigay. At may tiwala rin naman ako kay Adina na hindi niya iyon ipagsasabi sa iba.
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...