Kabanata 14

170 15 6
                                    

Sobrang bilis ng pangyayari at ngayon ay nakaluhod ako sa harap ng hari at reyna. Pati na rin sa harap ng mga prinsipe at ni Princess Nirvana. Ang lalaki na nakaharap nila kanina ay mabilis na nakaalis. Akala ko ay makikipag-usap pa siya sa amin ngunit nagawa niyang tumakas at hindi nag-abalang ipakilala ang kanyang sarili.

Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang sumama sa kanila dahil nais ni Prince Caveri na ipaalam ito sa hari at reyna. Hindi nila ito isinawalang bahala lalo't ang konklusyon nila na ang lalaki ay isang bandido. Maaaring kasamahan ng mga taong lumusob sa aming kaharian at nagsisilbing espiya.

Iba ang nasa isip ko. Hindi siya kasamahan ng mga bandido. At kung sakaling sabihin ko ito sa kanila ay natitiyak kong hindi sila sang-ayon. Dahil sa nangyaring paglusob ng mga bandido ay totoong mahirap na magtiwala sa mga taong lalabas at papasok sa palasyo.

Takot at kaba lang ang nararamdaman ko kahit wala naman akong ibang ginawa. Hindi ko rin naman inaasahan na makikita at makakausap ko siya ulit lalo't mabilis siyang naglaho sa aking paningin. 

"Hindi niyo nakuha ang pangalan? Kung saan siya nagmula? Anong pamilya?" sunod-sunod na tanong ni ama.

"Patawad, ngunit mas'yadong mabilis ang kilos ng lalaking iyon. Mukhang hindi siya basta-basta. Nagagawa niyang sabayan ang aking galaw, Ama." 

Seryosong sagot ni Prince Crusoe at nagawang punasan ang gilid ng kanyang labi. May bakas iyon ng dugo roon dahil sa pakikipagsuntukan niya kanina sa lalaki.

"That intruder has an audacity to enter the palace all by himself?" ramdam ko ang pagpipigl ng galit ni ina.

"Mabuti na lang at dumating kami agad dahil kung hindi ay baka..." tumingin silang lahat sa akin ng sabihin 'yon ni Huzaifah.

"Did he hurt you?"  tanong ni ina.

Umiling ako at nanatiling nakayuko. Nakapatong ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking kandungan.

"What are you doing in that place?" 

Napalunok ako sa tanong ni ina. Alam na nila ang lugar na iyon.

"N-Nais ko lang magliwaliw kaya napadpad ako sa lugar na iyon..." naputol ang aking pagsasalita dahil sa pagsingit ni ina.

"Can you leave us for a while. We want to talk to this girl privately."

Utos ni ina sa mga Kamahalan. Palihim akong nag-angat ng tingin sa kanila. Nagsalubong ang tingin namin ni Sirgun ngunit ako na ang mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Nakitaan ko ng kalituhan sa kanyang mga tingin at ayaw kong makita niya ang takot ko sa oras na iwan nila ako sa silid na ito kasama ang aking mga magulang.

Nang masiguro na wala na silang lahat ay hinarap ako ni ina at malakas na hinampas niya ang lamesa. Hindi ko mapigilang magulat dahil doon.

"I-Ina..."

"Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Cresentia. You told me that you'll be back at your room! But what are you doing in that place?!"

Napakurap-kurap ako at naghahanap ng tamang salita na sasabihin.

"I-Ina, hindi niya naman ako sinaktan. Sa totoo nga ay kinausap niya ako at wala siyang ibang ginawa—"

"Hindi iyon ang punto! Mas'yado kang nagtitiwala sa mga taong nasa paligid mo! Cresentia, not all the people are nice and have a good intention!" 

"Ina—"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na huwag kang maging mabait sa kahit na sino! Dahil iyan ang magiging panlaban nila sa 'yo!" 

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now