Kabanata 23

253 14 14
                                    

Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang hinahawakn ang hair ornament na nakalagay sa aking buhok. Mula sa aking tabi ay tahimik lang si Sirgun na nakasandal sa puno. Nakapikit ang kanyang mga mata at ang tanging malalim niyang paghinga ang siyang gumagawa ng tunog sa pagitan namin dalawa.

Halata sa kanyang mukha ang pagod mula sa kanilang ensayo. Alam kong hindi lang naman siya ang nakakaramdam no'n kundi pati na rin ang aking mga kapatid at ang mga prinsipe.

Hindi na nga sila makabalik-balik sa kanilang palasyo dahil mas prayoridad nila ang ensayo. Pinaghahandaan nila ito para kung sakaling bumalik ang mga hindi kilalang kalaban ay mas handa na sila.

"Ganoon ba kalakas ang mga kalaban?" hindi ko napigilang itanong.

"Hmm," napatango ako kahit hindi niya naman nakita 'yon dahil sa kanyang pikit na mata. 

"Wala ba kayong ideya kung bakit... sila sumusugod?" muli kong subok na tanong.

"King Cosmo and the other kings knows something but they keep it to themselves. Sa tingin ko ay konektado ito sa dating emperatris ng Hua Albanzious." 

Doon na siya nagmulat ng mata at diretso sa akin.

"Hindi ba dapat pinapaalam nila 'yon upang maiwasan na mas mapahamak ang lahat? Lalo na sa inyong sumasabak sa laban..." mahina kong sabi at napaiwas ng tingin noong maalala ko ang unang pagsugod ng mga bandido.

"They gave us information, but not all. There's still boundaries for us. Sabi ni ama, malalaman lang daw namin ang lahat kapag nasa tamang panahon na. It's been years. And I hope this is the time." 

Natahimik ako.

Wala akong ideya. Wala akong alam sa lahat pero pakiramdam ko ay sobrang delikado ng hinaharap ngayon ng Hua Albanzious. Kaya gustong-gusto kong tumulong kahit papaano. Kahit sa pagkalap lang ng impormasyon ay may maitulong ako. Kahit hindi na ako humawak ng armas o kahit ano, basta't makatulong lang ako.

"I wanted to help..." mahina kong sabi.

"The king will not allow you," aniya na nagpatango sa akin.

"Alam ko naman 'yon. Pero hindi ba dapat nagkakaisa ang lahat? Dapat lahat ay tumulong upang maiwasan na hindi maagrabyado." 

Umiling siya sa aking sinabi na para bang maling ideya ang sinabi ko.

"Not all people might be loyal to Hua Albanzious. Ikaw dapat ang unang-unang nakakaalam na ang mga Gallomour ay hindi basta-basta nakukuha ang tiwala. Mas mahigpit pa sa mahigpit. Na kahit kaming kalapit na pamilya ng mga Gallomour ay hindi lubusang binibigay ang tiwala sa amin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

"At hindi lang kayo... pati ang ibang palasyo?" tipid siyang tumango. "Kung gano'n... ano nang mangyayari niyan?" 

"Ang pagpapakalat ng impormasyon ay isang malaking pagkakamali para inyong pamilya, Cresentia." Puno nang pinalidad niyang sabi.

"Hindi kita maintindihan..."

Doon natapos ang aming pag-uusap at naisipan nang bumalik sa loob ng palasyo. Dumiretso kami sa hapag-kainan dahil oras na rin ng hapunan. Pagdating namin doon ay kumpleto na kami na kahit si Lady Remedios ay makakasalo na rin namin.

At katulad ng lagi kong puwesto ay nasa gitna ako ni Prince Cordan at Prince Crusoe.

Isang mapayapang hapunan ang nangyari at wala ni isa ang nag-ungkat ng mga problema na kinakaharap ng kalupaan ng Hua Albanzious.

Nilibot ko ang tingin sa buong hapag. Lahat ay nakayuko ngunit naagaw ng atensyon ko si Lady Remedios na pasulyap-sulyap sa aking pinsan. At kapag gagalaw naman si Prince Mourad ay mabilis siyang magbababa ng tingin na parang walang nangyari.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now