Kabanata 4

265 14 3
                                    

Matapos ang nangyari sa labas ng silid-aklatan ni ama, ay umalis kami ni Adina na parang walang nangyari. Hinatid niya lang ako sa sa aking silid at pagkatapos ay umalis din. Marami pa raw siyang gawain na kailangang tapusin. Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa mga aklata na hindi ko pa nagagawang basahin.

Maraming dinala si Adina kaya kahit ilang araw siyang hindi magdala ng mga bagong libro ay hindi ako mababagot. Mabuti na nga lang din at pumapayag ang hari na magbasa ako ng kahit anong gusto kong klase na libro. Lahat din naman ito ay galing sa silid-aklatan ng palasyo.

Pero sa nakalipas na ilang oras ay nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Natigil ako sa pagmamasid sa labas at tiningnan kung sino ang kumakatok. Hindi inaasahan na ang aking mga kapatid ay bibisita sa akin.

Nakayuko ako at hindi alam kung ano ba ang ginagawa ng tatlo kong kapatid sa kwarto ko ngayon. Iniisip ko na baka nahuli nila ako na nagtatago sa malaking vase kanina o baka may iba pang dahilan. 

Prenteng nakaupo si Prince Cordan sa aking kama. Si Prince Crusoe naman ay nakasandal lang sa pader habang ang panganay kong kapatid na si Prince Caveri ay matikas na nakatayo ng diretso sa gilid ng aking lamesa kung saan ako madalas magbasa ng mga libro.

"Our mother and father want to talk to you privately," pangunguna ni Prince Caveri.

"Tungkol saan?" tanong ko.

"We don't know, maybe you did something again?" mabilis kong naitikom ang aking bibig.

"Crusoe," pagsaway ni Prince Cordan.

Mas lalo akong napaisip na baka alam niya ngang naroon ako kanina kaya mainit na naman ang kanyang ulo. 

"Cresentia, fixed yourself and follow us after." Seryosong sabi ni Prince Caveri at nauna ng lumabas ng aking kwarto na sinunandan naman ng aking mga kapatid.

Parang nanghina ang mga tuhod ko dahil doon. Napapansin ko rin na madalas na nila akong kausapin kumpara noon. O dahil inutos ni ama na puntahan nila ako para papuntahin sa kanyang silid-aklatan? 

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. At nang matapos ay nagpasya na akong pumunta sa silid-aklatan ni ama. 

Kumunot ang noo ko ng mapansin na tila ang tahimik ng paligid. Parang kahapon lang ay marami akong tao na nakikitang pagala-gala rito at rinig mo ang kanilang mga boses. Natigil lang ako sa pag-iisip ng masalubong ko si Prinsesa Nirvana kasama ang kanyang taga-silbi.

Yumuko ako bilang pagbati. Tipid naman itong tumango at nagpatuloy sa paglalakad. Walang araw ata na hindi ko siya nakikitang hindi maganda. Sinundan ko muna sila ng tingin bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Tatlong katok ang ginawa ko bago pumasok sa silid. Akala ko ay kumpleto sila ngunit si ama lang ang aking nakita. Dahan-dahan ang lakad ko papunta sa kanya at matipid na ngumiti ng mag-angat ito ng tingin sa 'kin.

"Please sit," mabilis naman ang naging galaw ko at umupo agad sa upuan sa harap ng kanyang lamesa.

"Ah... tungkol saan po ba ang pag-uusapin natin, Ama?" maingat kong tanong.

Tumikhim ito at pinagsiklop ang kanyang mga kamay bago seryosong tumingin sa akin.

"Tomorrow, there's another party here in our palace." Tumango ako at taimtim na naghihintay sa susunod siyang sasabihin. "Play violin." 

Dumagundong ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. 

"Ama..."

"I know you're good at playing violin. I want you to do it in the party. Ang mga kapatid mo ay walang talento sa kahit na anong instrumento. But you can, Cresentia." Pag-aalinlangan ang nararamdaman ko ngayon.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now