Chapter 29

81 0 0
                                    

Bakit siya nandito? Di ba wala na siya? Kasama siyang nasunog doon sa bahay namin. Hindi ako pwedeng magkamali kasi nakita ko yon. Dalawang mata ko mismo ang nakakita. Pero bakit nandito siya ngayon sa harap ko?

"Alodia.." Nanginginig siyang humakbang palapit sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Gusto kong makita siya ni mama, miss na miss na siya ni mama. Gusto kong yakapin siya..

"Papa!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko ang papa ko. Bahala na. Hindi mahalaga ang lahat ng nasa isip ko ngayon. Ang mahalaga mayakap ko ulit ang papa ko.

"Anak." Niyakap niya ako pabalik at doon na ako umiyak ng sobra.

Hindi ko alam kung gano kami katagal magkayakap pero ayaw ko ng umalis pa sa ganong posisyon. I felt secured, walang makakasakit sakin.

"Kamusta ka na?" Tanong sakin ni Papa nung medyo humupa na yung pagiyak ko.

"Okay naman ako, papa. Pero san ka ba galing? All along akala ko patay ka na. Kasi.. kasi.. bakit di ka nagpakita sa amin? Sa akin?" Naiiyak ulit ako. Pero kailangan naming magusap na mag-ama.

"Alodia.. I believe this is not the right time. Lalo na't wala ang mama mo dito. Sa ngayon, masaya ako na nagkita tayo." Ano? Si mama?

"Si mama?" Naguguluhan ako. Paanong si mama?

"Alodia.. nagkasala ako sa mama mo. Wala siyang kasalanan. Mauna na ako. Tandaan mo, mahal kita, anak." Hinalikan ako sa noo ni papa at tska siya naglakad na palayo.

"Papa!?"

Lumingon si papa pero di na siya bumalik pa.

"Kelan kita makikita ulit papa?"

"Soon, anak. Soon."

Naglakad na ulit palayo si papa. Hindi ko na siya hinabol pa. Alam kong may dahilan. Ayokong magalit. Hindi ngayon, hindi bukas.

Tumalikod na din ako at naglakad pabalik. Nakita kong nakatayo si Shayne sa tabi ng papa niya na parang gulong gulo. Nahagip ng mga mata ko sa isang gilid si Rojee kasama si Patricia. May iba sa mga mata niya pero hindi na ako tumingin sa kanya. Sasabihin ko pa ba? Pero hindi ba yun ang pinunta ko dito.

Kapag nakatingin ka pa rin, aamin ako.

Nung malapit na ako kay na Shayne, lumingon ako ng dahan dahan sa pwesto nina Rojee.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Nakatingin ka pa ba?

Pero wala na siya. Wala na siya sa pwesto niya kanina. Siguro nga hindi ko pa dapat sabihin... pati tadhana hindi umaayon sa akin.

"Alodia.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kilalang kilala ko ang boses na yon. Naramdaman ko na lang na biglang may humatak sa akin paharap at..

Niyakap ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano to?

".. Rojee."

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Babalik ako. Pag balik ko ayos na lahat."

"Rojee.." Wala akong naiintindihan. Paano na si Patricia? Ano ba ang nangyayari?

"Wait for me. Just this once. Wait for me." Naramdaman kong unti unting kumakalas ang pagkakayakap niya sa akin.

Niyakap ko siya ulit ng mas mahigpit. Di ako kakalas. Di ako bibitiw. Ganto na lang tayo. Baka naman pwedeng huminto ang oras. Please. Please.

"Ako.. ako yung.. " Hindi ko masabi.

"Alam ko, Fallen Angel." At tuluyan na siyang kumalas.

Naiwan akong nakatayo doon sa pwesto ko. Nakatulala. Alam niya? Paano niya nalaman? Tumingala ako para makita ang mukha niya, ang mga mata niya.. mga mata niyang gustong gusto kong tinitignan.

"Paanong.." Magsasalita pa sana ako pero pinitik niya ako sa noo.

"Aray." Napahawak ako sa noo ko. Nakita kong ngumiti ng nakakaloko si Rojee. Yung ngiting yan. Namiss ko yan.

Sinuntok ko siya.
"Bwiset ka."

"What the hell?" Hawak hawak niya yung pisnge niyang sinuntok ko. Narinig kong maraming mga guest ang nagulat pati si Shayne hindi inasahan yung ginawa ko.

"What was that for?" Tanong ni Rojee na parang nalilito sa nangyayari.

"Ano akala mo.. hindi ako gaganti!? Baliw ka ba."
Tintigan ko yung mga mata niya. At sabay kaming tumawang dalawa.

"Grabe kayong dalawa. Kala ko pisikalan na." Sumali na din si Shayne sa tawanan. Niyakap niya kaming dalawa ng mahigpit. Ang lapit lapit ko tuloy kay Rojee. Napatingin ako sa mga mata niya. Nakatingin siya sa akin. Sobrang lapit niya. Kinakabahan ako. Naririnig ko yung malakas na pintig ng puso ko.

"Namiss kita, Nerdy."
--

-- Troy's POV --

Kanina pa ako nakatanga dito sa party na to. Bakit naman kasi yung babaeng yun bigla bigla na lang nawawala, wala tuloy akong makasama tapos yung iba naman busy dahil may mga pinopormahang chicks. Wala talaga, forever alone ako dito. Tumayo ako at kumuha ng wine doon sa waiter na naglalakad.

"Pwede ba tayong magusap?" Muntik muntikan na akong mabulunan dahil sa bigla biglang pagsulpot ng lalaking ito.

"Jee. Pare. Anytime. Ano ba gusto mong pagusapan?" Masyado naman atang seryoso ang lalaking to ngayon.

"Doon tayo." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa parking lot. Syempre sumunod naman ako.

Huminto kami sa gilid ng isang sasakyan. Hindi siya nakatingin sa akin. Pero parang nasesense ko kung bakit gusto niyang magusap kami. Hindi lang ako sigurado. Yung babaeng yun talaga. Ang dami na niyang utang sa akin. Papabili ako doon ng isang box ng Moo.

"Kayo ba?" Bigla biglang tanong ni Jee. Ano ba naman tong taong to? Ni hindi man lang bumwelo.

Bumuntong hininga ako.

"What makes you think that?" Kahit na alam ko kung bakit. Aba syempre, patay malisya muna tayo. Mamaya masuntok ako dito.

"I saw you two." Anytime soon masusuntok na talaga ako.

"If you saw us together, does that mean we're together then?" Pa-cool effect muna. Hindi pwedeng bibigay agad. May girlfriend itong isang to. Baka masaktan ng ang best eating buddy ko. Paano na ang libre?

"What's so hard answering a very simple question?" Hinawakan ni Rojee yung hood nung kotse at parang pinagmasdan ang detalye nito.

"We're not together. Not before, not now. We wont be together."

Napahinto si Rojee at napatingin sa akin. Parang naguluhan siya bigla.

"Pano naman ako makakasigurong di mo ako niloloko?" Gulo mo brad! Ano ba gusto mong sabihin ko?

"Ano naman mapapala ko if magsinungaling ako sayo?" Tumalikod na ako para bumalik sa boring na party.

Nakarinig ako ng parang sinuntok na kotse. Napailing na lang ako. Kawawang kotse.

--

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon