-- D's POV --
Nanlulumo talaga ako sa itsura ko pati sa pagkawala nung libro pero siguro naman alam ni Shayne kung saan nila dinala yung cabinet ko diba? Hindi naman siguro nila sinunog yun ..
Nadedepress talaga ako at ayaw ko ng pumasok .
Pati uniform ko pinalitan nila ng mas maikling palda at nawala na lahat ng loose socks ko at napalitan ng mga bagong mahahabang medyas na fit na fit.
Pati yung dresser ko nawala yung mga laman at napalitan ng kung ano ano na hindi ko naman alam, pare parehas naman na deodorant at lotion yun pero ewan ko ba pati yun pinalitan ng ibang brand na sa tingin ko eh mamahaling brand.
Isang kit din ng Max Factor at CoverGirl na make-up ang nakita ko dun sa may gilid . At ano naman kaya ang balak nilang gawin ko sa mga makeup na toh!!!
Balak ko sanang ibigay kay Mama kaso tinanggihan ako dahil meron din daw siyang ganun
Okay...
Uwaaaaaahhhhhhh!
Hindi ko pa rin matanggap.
Nasaan na ba kasi yung cellphone ko at bag!?? Bwiset naman oh!
huh?
Ano ba toh?
Dun sa may gilid ng kama ko may nakita akong malaking kahon. Nilapitan ko naman at tinignan ko kung ano ba ang meron dun sa kahon na yun.
What the --!!
Napanganga ako at kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa nakikita ko.
Totoo ba ito?
*gulp*
Isa isa kong nilabas yung nasa loob ng kahon..
Laptop..
Ipad..
Camera..
at isang bag na backpack siya pero babaeng babae naman yung itsura.
ANO BA ANG AKALA NILA SA AKIN!!? ISANG BABAENG GIRLY GIRL!!!? MAPAPATAY KO SILA
Pero teka..
Hindi ba masyado namang ano tong mga toh.. Lahat ng toh? Yung mga binanggit ko sa taas na mga gadgets nasa kahon pa nila at talaga namang brandnew.
Sobra naman tong mga toh..
I dont deserve any of this..
Binuksan ko naman yung loob ng bag at doon may nakita pa akong isang kahon, nilabas ko yung kahon at ..
Napanganga ako.
Bagong cellphone .. hindi basta basta ang model ng cellphone dahil iphone toh. Hindi naman ako tao na galing sa bundok ano! Kaya alam ko na ito ang latest at ang pinakasikat na cellphone brand.
Napatingin ako ulit dun sa mga bago kong gadgets..
Hindi ako makagalaw .
Nahagip naman ng mga mata ko na may nakadikit na sulat dun sa likod ng kahon nung cellphone kaya naman kinuha ko agad yung sulat at binasa.
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
Teen FictionA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...