-- D's POV --
Hindi na ako pumasok sa buong day, tumambay na lang sa ako sa Music Room. Buong akala ko ay masosolo ko yung Music Room para naman mailabas ko yung mga nararamdaman ko pero andun din si Troy.
Ano ba naman tong lalaking toh? Hindi ba toh pumapasok ever?
Magmula umaga hanggang ngayon na malapit ng mag-uwian, wala syang ginawa kundi ang matulog sa music room. Ts!
"Nga pala, D. Yung tungkol sa Battle of the Bands.. it's two months from now kasi ginaganap yun sa School's Foundation Day.. favorite school event ko ang foundation day kasi 1 week na walang klase, as in!" Ts! Para namang pumapasok siya kahit na may klase.
"Ahh, talaga? Edi maganda." Walang gana kong sagot.
"Alam mo, kanina ko pa tinatanong kung bakit namumugto ang mata nung pumunta ka dito, at kung bakit ka nandito, wala naman kasi sa mukha mo yung magcucutting ka." He said while looking at me intently.
Actually, totoo naman yun eh. Pero wala kasi ako sa mood na magkwento at magsabi sa kanya. Hindi pa naman kami ganong ka-Close.
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang yung pagtotono dun sa isang gitara na feeling ko ay matagal ng hindi nagagamit.
Sa buong araw ko kasing tinambay dito sa Music Room, naglinis lang ako. Grabe yung mga lalaking yun parang hindi alam ang salitang "LINIS."
"D.." Tawag ni Troy.
Tinignan ko naman siya na parang bored na bored na ako .
"Ano meron sa inyo ni Yu?" Tanong niya habang titig na titig sa akin.
....
Huh?
Yu?
Processing..
Processing..
PANO NIYA NALAMAN YUN!?
Nanlaki yung mga mata ko habang titig na titig ako sa kanya.
"Ha? Yu? Si N-nerdy ba?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala sa narinig ko.
"Nerdy?" Tanong niya tapos kumunot pa yung noo niya.
Aish! Oo nga! Ako lang pala ang may nickname nun sa kanya..
Tumango ako "Si R-rojee.." Mahina kong sabi tapos nag-istammer pa ko sa pagbigkas lang ng pangalan niya.
Ganun na ba katindi ang pagmamahal ko sa taong yun na pati pangalan niya nahihirapan akong sabihin.
"Ahhh.. Oo, si Rojee Yu nga. Ano meron kayo?" Tanong niya ulit habang titig na titig.
Na-aawkwardan naman ako dito sa taong toh. San ba kasi nanggagaling yung mga tanong nito Uh? You m-mean?"
"I can see you guys are close. I've seen you many times with him and with that other girl.. his twin, I think." He gave me a timid smile.
"Ahh, well.. we're just .. friends."
Ouch.
Bakit ang sakit isipin nun?
Bakit ang sakit na sabihin yun?
"I see.. that guy, sure is tough." He said tapos nagLie down na siya dun sa lamesa sa harap niya. Matutulog na naman toh.
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
Teen FictionA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...