-- D's POV --
Yung siraulong lalaking nerd na yon, hindi na nagpakita pa sa akin bago siya umalis papuntang kung saan. Nakakasura talaga siya. Inieexpect ko pa man ding marinig ang kwento niya kung pano niya nalaman na ako yung batang yon. Pero ang mokong hindi na nagpakita pa sa akin. Tinatanong ko naman si Shayne kung bakit pero hindi din daw niya alam.Andito ako ngayon sa Music Room at inaantay ang mga kabanda kong wala na atang balak na sumipot pa. Sa totoo lang magpapaalam na ako sa kanila dahil wala talaga ako sa hulog na sumali sa ganitong banda dahil napakarami kong iniisip. Siguro sasali na lang ako kapag naayos na namin ni Papa at mama yung problema ng pamilya namin. Hindi pa rin kasi alam ni mama na alam ko ng buhay pa si papa. Namimiss ko na si papa.
Narinig kong bumukas yung pinto ng music room at pumasok si Troy. Mukha namang hindi niya ako nakita dahil nanlulumo siyang naupo habang sinisipsip ang iniinom niyang Moo.
"Psst." Sinitsitan ko si Troy pero mukhang di naman niya naririnig dahil tulala siya. Ano bang problema nito?
"Troy." Medyo mahina kong tawag sa pangalan niya pero wala pa ring epekto. Ano ba naman yan?
"Troy!"
"Ayy! Anak ka ng multo!" Laking gulat ni Troy ng mapansin niya ako. Muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan niya.
Tawa naman ako ng tawa sa mukha niya. Grabe epic talaga. Ang lalim siguro talaga ng iniisip nito para hindi ako makita o kahit mapansin man lang.
"Tawang tawa ah. Masayang masaya sa galak oh." Inirapan naman ako ni Troy. Tumayo siya at tinapon yung Moo sa basurahan.
"Pano.Hahahaha." Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa dahil sa lalaking to. Hindi ko matanggap yung itsura niya kanina.
"Ano ba ginagawa mo dito? Wala namang band practice ngayon." Naupo na ulit si Troy at tinaas ang paa niya sa lamesa.
"May sasabihin kasi akong mahalaga." Umayos na din ako kahit tawang tawa pa din ako sa itsura niya.
"Ano naman yon?"
"Hindi pwede. Dapat andito kayong lahat. Pano naman yon." Inirapan ko siya at kinuha ko yung gitara na nasa tabi ko.
"Leader ako. Kaya pwedeng sa akin na lang. Kelan ka pa naging maarte? Tss."
Napatingin naman ako sa kanya ng masama. Maarte? Ano ba ang trip ng lalaking ito sa buhay niya at parang nag-iba talaga siya.
"Maarte ka diyan!" Binato ko sa kanya yung capo na nakalagay don sa gitara.
"Aray naman!" Tinamaan ko siya sa ulo kaya naman napahawak siya dito.
"Oops. Sorry!" Nagpeace sign ako. Masakit pa naman kapag tinamaan ka ng ganon kahit matigas yon tapos sa ulo pa.
"Brutal mo." Akma naman niyang ibabato sakin pabalik yung capo.
"Magpapaalam muna sana ako. Di muna ako sasali sa banda."
Napatigil naman midair yung kamay niya na akmang babatuhin ako.
"Bakit!?" Gulat niyang tanong sakin.
"Family problem. Tska wala akong puso ngayon sa ganon eh." Ngumiwi naman ako kay Troy.
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
Ficção AdolescenteA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...