-- D's P.O.V --
Madami pang teachers yung dumating at paulit-ulit lang yung pakilala session. Eh ayus lang kasi, Half-day lang kami ngayon. Bukas pa yung start ng regular classes.
*riiiing* *ringgg*
Okay! Bell na . Pero break time lang, atat umuwi? HAHA. Sana nga uwian na eh, pero hindi eh. Inantay ko munang lumabas ng classmates ko bago ako lumabas. Ayaw ko namang makipagsiksikan pa sa kanila, ts!
Nung wala ng tao sa classroom, lumabas na ako. Pero may humatak sakin, sisigaw na sana ako kaso tinakpan niya yung bibig ko . Oh no!
Nagwawala ako! Bwiset toh ah! Mamaya kung ano gawin nito sakin! Mali ka ng pinagtripan, nag-aral ako ng Taekwondo! Nakahawak siya sa bibig ko patalikod eh, kaya ang ginawa ko inapakan ko yung paa niya tsaka ko siya sinipa sa /censored/ . Talk about Self- defense .
Nerdy?
Ano problema nito?
"Uhh.." Namimilipit sa sakit si Nerdy. HAHA! Eh ano ba kasi problema nito.
Iiwan ko na sana siya at lalakad na ko paalis kaso..
"Wait.." Hinawakan niya yung paa ko.
"Oy! Ano ba!? Bitawan mo nga yung paa ko!" Sabi ko sa kanya. Badtrip toh ah!
"I just want to talk" Sabi niya medyo seryoso.
"Then, talk." Walang gana kong sinabi.
Tumayo siya pero nakahawak siya dun sa pader for support. Ganun ba talaga kasakit kapag tinamaan ka sa ganun? Good thing, babae ako . *grin*
"About earlier .." Medyo mahina niyang sagot.
Ti-nap ko yung paa ko sa floor. Medyo impatient na ako eh, gutom na kaya ako! Epal naman kasi toh.
"Will you wait!?" Pagalit niyang tanong.
Nakanangtots oh! Siya na humihingi ng favor, siya pa galit.
"You know what I dont have time for this. Maiwan na kita! Baboosh!" Sabi ko tapos naglakad na ko paalis.
"You dont know a thing so please.. Wag ka ng makisawsaw." Sabi niya. Not that loud pero clear na clear yun sa tenga ko. Tumigil ako sa paglalakad.
Narinig kong palapit siya sakin pero nilagpasan niya ako at naglakad na siya paalis. Aba at inunahan pa ko! Bwiset talaga!
"And.. I dont need a girl to protect me." He said tapos tuloy tuloy na siyang umalis.
"I learn my lesson. And guess what? I dont plan on doing in again.. Trust me, you'll beg for me to help you someday." Sabi ko tapos umalis na din ako. Dun ako sa kabilang direksyon nagpunta.
Jerk! Nakakainis talaga siya! Bwiset!
Napalayo pa tuloy yung daan ko palabas ng building, hindi ko pa naman kabisado toh. Pero salamat na lang dun sa map . Useful talaga. Ayon sa map, may sariling building yung canteen. Owkay ..
*lakad* *lakad*
[ Canteen ]
Yung totoo!? Canteen ba toh o Food Court sa SM!? Ang laki!! As in. Iba iba pa yung bilihan . Merong Korean dish, Japanese, Filipino, American.. Desserts, Lunch, Breakfast, Drinks.. Ang masasabi ko lang ay Wow.
Makabili na nga.. Ano ba masarap?
Nagikot ikot ako dun sa Canteen, medyo may kamahalan yung mga tinda pero %50 off naman yung mga Scholar eh, so parang normal price na lang din yung babayaran ko . Yes! :)
Bumili ako ng Chicken Teriyaki tsaka Red Juice. Isa na lang ang kailangan ko .. at yun ay ang MAUUPUAN ko.
*hanap* *hanap*
Puno na lahat eh. Ts!
Sign: More tables upstairs.
Hay salamat naman at may Second Floor yung Canteen! Dapat lang ano!
Naglakad na ako papunta dun sa Elevator (Sosyal) ..
*Boogsh!*
Ayy! Puuteek! Yung Chicken Teriyaki ko pati yung red juice ko. Pati yung uniform ko! Bwiset!! Sino ba bumunggo sakin!? Hindi man lang nag-Sorry . Tinignan ko yung nakabunggo sakin.
Screw this guy!!
"Ikaw! Bwiset ka talagang Nerd ka eh! Bayaran mo toh!!" Sigaw ko sa kanya. Galit na talaga ako eh. Bwiset kasi siya!
"HAHA. I didn't mean it, clumsy nerd here." Tapos nagpout pa siya.
HIGHBLOOD MODE!
"Akala mo Cute ka! Papout-pout ka pa diyan! Mukha kang tae!" Sarap suntukin nito eh.
"Sinabi ko bang cute ako?"
"Arrrgggh! Bayaran mo toh!" Sabi ko na lang! Like, duh! Siya Cute? Magunaw na ang mundo!
"Bakit ka ba nakapasok dito? Alam mo bang bawal ang asal kalye dito?" He said. Then he smiled.
Pa-inosente pa!!
"Asal-kalye pala ha!" I punched him. Napatumba siya tapos napahawak dun sa jaw niya.
"What the-"
"Quits na tayo . Asal-kalye pala ha.. Pinanindigan ko na, nakakahiya naman sayo eh. " I said then naglakad na ko paalis. Wow ang daming nakatingin ha. Sana walang teacher, kundi patay na naman ako neto eh.
"YOU'LL PAY FOR THIS!" Sigaw ni Nerdy sakin.
Hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Tinaas ko na lang yung right hand ko sabay sabing.. " It's already paid."
Aba! Sayang kaya yung pagkain ko. Wala na tuloy akong pagkaen. Makabalik na nga lang sa classroom. Nakakapanginig laman lang dito sa Canteen eh !
{Author's Note: Leave a Comment, guys }
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
JugendliteraturA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...