Chapter 14 - Cute

81 2 0
                                    

-- D's POV --

Omo! Thank God it's Friday! TGIF! 

Ngayon ko na gagawin ang aking so ever brilliant idea . Tahaha xD! Excited na ako, akala kasi ni Shayne eh si Rojee lang pero siyempre SIYA din. Papayag ba naman akong si Rojee lang . Eh kaya ako humingi ng tulong kay Shayne dahil wala naman akong sasakyan at im not a RICH KID Hindi talaga.

Kailangan ko ng help sa money . Eh! ehehe xD! Oh well, nagiintay na lang ako ngayong mag uwian na para maisakatuparan ko na ang aking so ever brilliant idea with no money! Chos! Hahaha .

Hindi nga kasi ako RICH KID!

Planado na namin ni Shayne ang LAHAT . *evil grin*

*Riiiiiiiinnnnnnnng* *Riiiiiiiiinnnngg*

Yeah! Time na ! Time na! Abot tenga naman yung ngiti ko. Excited ako eh, bakit ba.

Niligpit ko na agad yung gamit ko at pinuntahan sa upuan niya si Shayne na nagaayos ng gamit niya at ngiting ngiti din. Parehas kasi kami excited.

"Ang tagal naman ni Onii-san" Sabi ni Shayne. Andito kasi kami ngayon sa labas ng Faculty Building. Oo, Building hindi room. Nanlaki nga mata ko nung nakita ko eh, ang swerte ng mga teachers dito sa school na toh. For sure, malaki kita dito. Mag-apply na lang kaya ako dito , baka maging RICH KID ako..

"Oh my Gosh! HAHA . Nerd na nga Lampa pa!" Rinig ko naman na sinabi nung isang babae.

Parang narindi yung tenga ko sa narinig ko at parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nakita ko

Pano si Nerdy eh, nakadapa dun sa may sahig at sa harap niya eh nagtapunan yung mga libro at madaming papel. Pero imbes na tulungan siya nung dalawang babae, tinawanan pa siya.

Lumapit ako na nagiinit yung buo kong katawan. Nakita ko kasing nakaharang yung paa nung babae kaya yun yung naging dahilan kung bakit nadapa tong si Nerdy.

"Excuse me?" Sabi ko dun sa babae.

Lumingon naman siya sa akin na medyo irita yung mukha , ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis. Nakita kong tumayo si Nerdy at lalapitan ako pero pinigilan ko siya.

"Sige, subukan mong mangealam dito! Manghihiram ka ng mukha diyan sa mga libro na yan! " Sigaw ko sa kanya at ayun hindi naman na siya nangielam pero nakita kong medyo nainis yung mukha niya.

Problema nito!? Siya na nga yung tinutulungan eh. Siya pa galit! Bwiset ah!

"Onii-san!" Tawag ni Shayne tapos nakita kong tinulungan niya si Rojee sa pagliligpit nung mga papel at librong nalaglag.

Binalikan ko naman yung mga babaeng nakatingin pa din sakin na parang nagtataka.

I smirked. "Masaya bang manisod?" Tanong ko na painosente.

Nakita ko namang nanlaki yung mata nung babaeng nanisod pero nakabawi naman agad siya , tinaasan niya ako ng kilay.

"I dont know what you're talking about." Sabi niya tapos nagiwas ng tingin.

"Oh, really? Maybe.. naging kasing bagal na din ng snail ang utak mo noh? Parang yang hita mo na mukhang may nakabukol na snail sa likod." Then, I turned around pagkatapos ko siyang asarin.

Nakita kong namula yung mukha niya, hindi ko alam kung sa galit o sa inis. Eh totoo naman eh! May bukol naman kasi talaga yung hita niya dahil siguro sa taas ng takong niya. School toh, hindi Catwalk. 

Alam ko ang susunod niyang gagawin, sasabunutan niya ako. Pero bago pa niya magalaw ang aking buhok na hindi pa nakakaranas ng rebond , lumingon ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya na malapit na malapit na sa buhok ko.

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon