Chapter 23 - Selos </3

71 3 1
                                    

-- Rojee's POV --


What the heck is wrong with Alodia!?

Hindi siya ganyan dati !!

Parang nawala lahat ng manners niya. Nakakainis lang!

"D!!" May tumawag kay Alodia, tinignan ko naman kung sino at nakita kong may lalaking tumawag sa kanya.

Sino naman kaya yun?

Ts! Mas gwapo naman ako dun noh! Di hamak namang mas matalino din ako diyan sa lalaking yan! 

Bakit niya tinatawag si Alodia!?

Tska bakit mukhang familiar siya sa akin? Hindi ko lang mapinpoint kung sino siya pero parang nakita ko na siya dati.

"Uy? Troy!" Bati sa kanya ni Alodia nung nakalapit na samin yung lalaki. Meron pang sauce ng palabok si Alodia sa labi niya. Ts! Pambihira.

"Hinahanap kita kanina eh, hindi naman kita makita.. kala ko magkikita muna tayo bago ka pumasok." Bigla namang nalungkot sandali yung mukha nung lalaki tapos tumawa sila ni Alodia.

Okay?

Ano meron?

Sino ba tong lalaking toh?

Tska, bakit sila magkakilala?

"Rojee? Are you okay?"

Napatingin naman ako kay Patricia na nagsalita sa tabi ko.

"Huh?"

Siyempre, Okay ako! Bakit naman ako hindi magiging okay!?

Tapos nagulat ako sa sunod na ginawa ni Patricia, she put her thumb on my creased forehead then she smiled.

"Nakakunot kasi noo mo eh.." She explained.

*dug dug* *dug dug*

Ang sweet talaga ng babaeng toh , ibang iba kay Alodia.

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon