Chapter 9 - Have you ever been in love?

83 3 1
                                    

-- Rojee's POV --

Nawala siya sa paningin ko, balak ko na nga sanang bumalik eh kasi baka hindi naman pala siya yung nakita ko, kaso may humatak sakin at tinulak ako sa pader. Pagtingin ko siya pala.

Wala akong kawala sa babaeng toh! Nakakatakot siya!

"Are you stalking me!?" Sigaw niya sakin.

Err? Am I? Is this the kind of thing , a stalker normally does?

Tumingin ako sa kanya, at tska ko lang napansin na ngayon lang niya napansin kung sino pala ako. Gulat na gulat siya.

"Nerdy!?" Wow. What a nice nickname..

Kaso yung gulat niyang mukha eh, napalitan ng seryoso at nakakatakot na mukha.  Kakain na ata ako ng buhay nito. Kaso ang ikinagulat ko ay yung pagtitig niya sa akin ng diretso, as in! Yung parang binabasa niya kung ano yung iniisip ko. Pero makikita mo sa mga mata niya yung inis ..

Pero yung mga mata niya .. parang hindi ako makaalis ng tingin. That same eyes..

Teka.. Gray yan kahapon ah! Bakit ngayon black na!?

Hindi kaya...

VAMPIRE ang isang ito! 

"What do you think you are doing!?" Tanong niya. Medyo cold na medyo fierce. Yung talagang nagdedemand siya ng sagot. That question brought me back to Earth though.

Nung napatingin ako sa kanya ulit para sumagot, nakita ko nanaman yung mga mata niyang nanlilisik pero..

*dug dug* *dug dug*

Huh? Ano yun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at bakit parang rinig na rinig ko? Ano nangyayari? Dahil bang alam ko ng katapusan ko na toh dahil maiinom na niya ang aking pinakamamahal na dugo!? No.. 

"Ahh.. Ehh.. ano.. ano..pupunta kasi ako ng CR.." Ugh! I could kill myself! Ano ba namang klaseng palusot yun!?

Wrong move! Kasi lalo lang siyang nagalit. Kinuwelyuhan niya ako at nilapit niya yung mukha niya sakin. Ng sobrang lapit talaga..

"Hoy! Nerdy! Niloloko mo ba ako? Ha!?" Galit niyang tanong. Nanlilisik yung mata niya sa sobrang galit.

Cute!

Ano!? Nasabi ko ba yun!? O.O Hindi! Hindi! Pwe! Hindi siya ano.. Ano.. Ahh! Basta!

pero yung mukha niya..sobrang lapit..

Wala pang nakakalapit sa mukha ko ng ganung kalapit.. Bakit parang nahihiya ako..

*dug dug* *dug dug*

Ano ba namang puso ?? Nababaliw na ata! Nag-aabnormal na. Arggh!

*blush*

Did I just blush!!!???

Nagulat ako nung bigla niya akong binitiwan ..

 Huh?

Pero Chance ko na toh para..

TUMAKBO!

Tumakbo ako ng mabilis. Nahihiya ako! Bakit ako nagblush at bakit sa dinami dami ng tao ! Sa kanya pa!!? Kainis! Hindi naman ata niya napansin na nagblush ako eh. Buti naman.

"Hoy!!! Ang kapal ng mukha mong magblush sakin! Bwiset!" Sigaw niya.

Ano!? Nakita niya!? Kaya ba niya ako binitawan!?

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon