Chapter 13 - Seryoso!?

107 2 0
                                    

-- D' POV --

Andito ako ngayon sa classroom at nakatunganga. Wala kasing magawa 

Alam niyo yun? Nakakabagot! Ang tagal kasi ng lunch break dito sa Seiho Academy kaya ang tagal din ng uwian! Hmmmph!

"Alam mo.. gwapo ka pala, Rojee.."

Shocks!! Hindi ko alam kung bakit ko ba yun nasabi eh! Out of nowhere bigla bigla na lang akong nagsasalita ng mga ganun. May tagas na ata ang utak ko eh 

Shit! Shit! Pero kasi..

Totoo naman kasi talaga ..

Hmmmpph! 

Oo na Oo na! Aaminin ko na ! Kasi kanina napansin ko na gwapo naman talaga si Nerdy hindi nga lang siya ganun kagwapo dahil sa ayos niya. Para naman kasing tao sa mula eh, mukhang pinanganak pa noong panahon si Rizal! Nakasalamin ng makapal, daig pa si Harry Potter! Yung buhok naman parang dinilaan ng kambing dahil sa sobrang nakadapa sa ulo niya! 

Tapos maganda namn yung ngipin tapos nakabrace! 

Hindi ata marunong mag-ahit ng kilay dahil sa sobrang kapal na hindi naka-ayos parang dinaanan ng buhawi! Kung anong ayos ng buhok niya, siyang gulo ng kilay niya! 

Nababadvibes ako! Kapag nakikita ko yung ayus niya na yun eh! Hmmmfh!  Hindi marunong mag-ayos ng sarili.

Pero, sa loob ng 2 weeks na nagkakasama kami, nakita ko yung totoong SIYA. Yung hindi niya pinapakita sa iba, oo .. totoo na matalino talaga siya , hindi yun mapagkakaila pero kahit ganun siya may side pa din siyang makulit . Madali lang din siyang pakisamahan. Kaso medyo pikon at short-tempered. Masarap kakulitan kasi hindi niya ako kaya ! HAHA

Asa naman kasyong matalo niya ako! Kaso minsan, parang bakla magkikilos eh, nakaksura! 

Pero aaminin ko na kahit ganun, isa siya sa naging dahilan kung bakit hindi ako nag-aabsent at ganado akong pumasok sa school. 

Ang cute cute niya kasi kapag napipikon 

Processing..

Processing..

Ano!? Hmmph! 

Tska, bakit ko ba iniisip ang taong yun! Tumingin ako kung san nakaupo si Nerdy at nakita kong nagbabasa siya ng libro na sobra nanaman ang KAPAL.

Tinitigan ko siya ..

Gwapo naman talaga toh eh..

He's still the same lampayatitot boy that I saved many years ago..

O, tama kayo ng nabasa. I know Nerdy matagal na.. 

It happened many years ago in Japan.

-- Flashback --

Ts! Nakakasura talaga ang babaeng yun, kala mo naman ang tapang tapang eh aatrasin din pala ko. Asan na ba ako? Kakalakad ko ng kakalakad hindi ko na alam kung nasan ako napunta pero parang nasa playground ako ah..

Makaupo na nga lang muna sa swing 

"ちょっと! 一見、tresspasser!"  [ Hey! look, a tresspasser!"]

Huh? Ano meron? Tresspasser? 

Tumingin ako dun sa batang hapon na nagsasalita at nakita kong may tinuro siyang batang lalaki na nakaupo dun sa bench at nagbabasa ng libro.

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon