Chapter 3 - Classroom Confrontation

111 2 0
                                    

-- D's P.O.V --

Nakakainis talaga! Nakakainis talaga yung lalaking yun! Akala mo naman kayang kaya niyang ipagtanggol yung sarili niya! Tinulungan na nga, galit pa! Lesshe!

Naglakad na ko papuntang Tokyo building, at hinanap na yung classroom ko na 'Cherry Blossom - A' . Nasa taas pa ata . >.< Naiinis na talaga ko, ang dami dami pang nakatingin. Bakit ba!? Ts!

Nung nakita ko na yung classroom ko, pumasok na ako agad. Medyo madami na ngang estudyante eh. Pinagtitinginan ako tapos magbubulungan. Bulungan!? Eh rinig na rinig ko.

"Diba yan yung Epal Girl?"

"Ohh EMM! Classmate natin siya?"

I rolled my eyes tapos naupo na ako dun sa pinakalikod na upuan sa may pinakagilid. Tapos kinuha ko na lang yung Earphones ko at cellphone ko tapos nagpatugtog na lang ako ng malakas na volume para hindi ko sila marinig. Nakakainis sila eh! Hmmph!

Napansin ko ang dami nilang nakatingin sakin at sa cellphone ko. Wow ha! Pati ba naman Cellphone! Ngayon lang ba sila nakakita ng Cellphone na hindi touchscreen  Naiinis na talaga ako kaya nagheads down na lang ako.

Now Playing : Bad Reputation by Avril Lavigne

I don't give a damn 'bout my reputation

You're living in the past it's a new generation

A girl can do what she wants to do and that's

What I'm gonna do

An' I don't give a damn ' bout my bad reputation

 Ano ba yun!? Bakit ba may kumakalabit sakin!? Ts! Hayaan ko nga siya. Kitang nananahimik yung tao eh! KAINIS!

*poke* *poke*

Bwiset!

"What the Hell is your Problem!?" Sigaw ko. Tumayo na din ako at hinarap siya.

Waaaahh!? Nakatingin sakin lahat na parang nagulat tapos nakita ko may teacher na pala. Patay! Tinanggal ko na agad yung earphones ko na nakalagay pa din sa tenga ko. Tumingin ako ng masama dun sa nangalabit sakin >.< What's his problem?

"Excuse me, miss? But why are you shouting in my class?" Sabi nung teacher. Patay na talaga ko.

Humarap ako dun sa teacher , I bit my lower lip. Ano sasabihin ko? Na naistorbo tulog ko? tss!

"Sorry, Sir. Its nothing.." Nag-bow ako at nanatili akong ganun.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan silang lahat.

Pag-angat ko ng mukha ko. Natatawa yung teacher namin. Medyo kumunot yung noo ko. Kasi siyempre diba, teacher ka tapos tatawanan mo yung estudyante mo na nagsosorry lang naman.

"Ahemm! Ahemm!" Nag clear ng throat yung teacher namin. Nakuh! Kunwari ka pa eh! "Stop laughing!" Utos niya agad dun sa mga classmates ko.

Tumigil naman agad sila. Pero may nahagip yung mata ko na isang lalaki, Teka! Si Nerdy yun ah! Uminit nanaman yung ulo ko! Kakatapos lang niyang tumawa kasi he's composing his self na.

"Pathetic." Sabi ni Nerdy. Hindi naman ganun kalakas, pero hindi din ganun kahina. Yung sakto lang para marinig ko. Nasa may bandang harap siya, eh siyempre ano ba pa aasahan niyo sa mga taong Nerd.

Tinaasan ko siya ng kilay pero humarap na siya dun sa teacher. 

Lagot na talaga sakin yung taong yun! Bwiset ah! 

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon