Chapter 25 - Pain

69 2 0
                                    

-- D's POV --

Nabubwiset na ako sa damuho na toh! Ang higpit higpit ng pagkakaakbay sakin!  Hindi ko naman maitulak kasi nakatingin daw sa amin sa Rojee. Sana lang talaga, totoo! Kung hindi mapapatay ko tong lalaking toh!

"Uyy, Andyan pa ba?" Inis kong tanong sa kanya.

Naghikab si Troy pero tumingin siya sa may likod tapos tinanggal na niya yung pagkakaakbay niya sa akin.

Phew!

Buti naman at inalis na niya . Napaka-awkward kasi sa akin ng mga ganung bagay. Ts!

"Wala na." Sabi niya tapos naglakad na siya paalis.

"Oy? San ka pupunta?"

Lumingon naman siya sa akin tapos nag-shrugged.

"Ewan ko? Hindi mo naman pala ako ililibre eh, aalis na lang ako." Tapos tumalikod na siya para umalis.

Para namang bigla akong nakonsyensya, ang dami na niyang ginawa para sa akin tapos hindi ko man lang siya mailibre. Ts! Hindi ko alam kung nagpapaawa ba siya o ano eh.

"Oo na! Oo na! Ililibre na kita!"

Lumingon naman siya at nakangiti na ang mokong. Sabi ko na eh, pakulo lang niya toh!

"O sige, sabi mo yan ha. Gusto ko ng Zagu." Tapos umakbay siya sa akin at pumunta na sa stall ng Zagu sa canteen.

"Oyy! Wag mo nga akong akbayan!" Inalis ko naman yung braso niyang nakaakbay sa akin.

"Ts!" Tapos nauna na siyang maglakad papunta dun sa Stall.

Umorder siya ng Grande na Chocolate Flavor! Grabe lang talaga.

Yung baon ko, HUHUHU! Wala na akong pera. Napakamahal naman kasi ng kinuha niya! Pwede namang Baby-Z na lang.

"Tara na!" Aya niya sa akin na masayang masaya pa siya.

"Letche! Diyan ka na nga!" Tapos iniwan ko na siya. Kakasura kasi eh!

"Oyy!" Tawag niya pero hindi ko na siya pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat dun sa second floor ng cafeteria para bumalik kay na Shayne.

-- Rojee's POV --

Hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko ngayon, halo halo yung nararamdaman ko.

May sakit..

May galit..

Hindi ko alam kung saan nanggaling yung galit eh, pero galit ako. Galit ako kay Alodia kasi feeling ko pinaasa niya ako , the way she talked to me. The way she made my heart skipped a beat, everything about her makes me angry! Hindi ko alam pero galit talaga ako!

May part na galit ako sa sarili ko kasi bakit ngayon lang, bakit ngayon ko lang naamin sa sarili ko na mahal ko na pala siya. Bakit ang bilis!? Bakit ang bilis bilis ko siyang minahal!?

I need to forget!

Alam kong mali yung gagawin ko pero I need to do this! Besides, Patricia is my first love. Siya naman yung bata na nagligtas sa akin way back then eh. So why not push my feelings for her?

Naupo ako sa kinauupuan ko kanina, I can see Shayne's and Patricia's faces, full of concern.

"Rojee..? What happened? Are you alright?" Concern na concern na tanong sa akin ni Patricia.

I looked at her intently. Medyo kinakabahan yung itsura niya, hinawakan niya yung kamay ko tapos pinisil pisil pa niya. She smiled at me.

This girl in front of me, ibang iba siya kay Alodia. She's sweet, beautiful and almost all positive's traits nasa kanya niya. Isang araw ko pa lang siyang nakakasama pero she's my first love.

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon