-- D's POV --
Ugh.
Ang sakit Ng mata ko Talaga, after a very long time . Umiyak na naman ako Ng sobrang Iyak Talaga.
And because of that, I broke down. Buti na lang kasama ko si Shayne, at dinala niya ako sa clinic. Napakalma naman ako sa Clinic, walang nagsasalita sa aming Dalawa ni Shayne, she is just comforting me kaya sobra sobra yung gratitude ko Kay Shayne.
Nung nakabalik na kami sa room, Narinig kong pinalabas ni sir sina Rojee Dahil sa PDA, ganun na ba Talaga siya kaatat na magkagirlfriend at Gumawa Ng mga restricted na Bagay .
Naapektuhan yung pag-aaral niya Dahil sa babaeng yun at parang Hinahayaan lang niya na mangyari yun.
Ganyan ba Talaga ang nagawa sayo Ng makeover mo?
Kung alam ko lang na magkakaganyan ka..
Sana pala Hindi na Kita binago..
I want the old Rojee back.
My nerdy love.
I miss you..*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingg* *Riiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnng*
Buti na lang at time na. Nakabalik na din naman kanina pa sina Rojee at si Patricia eh, mukhang naguguluhan nga yung mukha ni Rojee eh pero sino ba ako para makialam diba.. Ts!
"D, uuwi ka na ba agad?" Concern na tanong sa akin ni Shayne.
"Oo, gusto ko na din kasing magpahinga eh."
Totoo naman kasi eh, masama kasi talaga ang pakiramdam ko.
"Ahh.. ganun ba? O sige sige. Gusto mo ba ihatid na kita?"
"Ha? Nakuuh, wag na Shayne. Hassle pa yun sa part mo."
"I insist, besides hindi naman sasabay sakin si Onii-san eh." Medyo malungkot na sabi ni Shayne.
Huh?
Hindi sila sabay ni Rojee?
Bakit?
"Bakit daw?" Curious lang kasi ako. Hindi naman kasi pala gala si Rojee kaya nagtataka ako.
"First date daw nila." Shayne gave me a weak smile.
Bakit ang sakit talaga tuwing maiisip ko na may girlfriend na siya?
Nasasaktan ako.. Rojee.
Kelan ba toh matatapos?
Ayaw ko nang masaktan pa.
"Ahh." Sinakbit ko na yung bag ko at ngumiti ako kay Shayne.
"Okay ka lang ba, D?" Concern na tanong sakin ni Shayne.
"Oyy! Alis na ko Shayne, kita na lang tayo sa bahay." Sigaw ni Rojee at nakita kong lumabas na sila ni Patricia ng magkahawak ang kamay.
</3
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
Teen FictionA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...