-- D's POV --
Hays ..
Hindi ko na nacontact pa si Shayne after nung incident na yun sa Starbucks . Ts! Nakakainis naman kasi yung lalaking humatak sakin, sino ba kasi yun? Epal masyado!
Kapag siya nakita ko, makakatikim siya sa akin ng isang FLYING KICK!
Monday na pala ngayon at eto ako at nasa school na, ang aga aga ko nga eh.
Umaasa kasi ako na baka andito na si Shayne. Baka pwede na kming mag-usap ulit, naglalakad ako ngayon sa campus papunta sa ExpressTrain ng may makita ako ..
"CAMPUS BATTLE OF THE BANDS"
Huh? Ano daw toh? Battle of the bands? Binasa ko pa yung mga nasa bandang baba.
Nalaman ko na every year pala nagkakaroon ng Campus Battle of the Bands dito, tapos ang magkakalaban ay yung iba't ibang campus buildings. Parang nagningning naman yung mga mata ko.
I LOVE PLAYING!
Nalaman ko pa na kung gustong magparticipate ng isang individual, kailangan niyang mag-audition sa kanya-kanyang campus building bands.
"Are you interested?"
Napalingon naman ako dun sa nagsalita sa likod ko, tumango na lang ako sa kanya tapos nag-smirk siya.
What's his problem?
"Well, GoodLuck about that. Normally, they dont accept rookies." He smirked .
Uminit naman bigla ang dugo ko! Excuse me!? Me? A rookie? Wow.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Let's just see." I said confidently. Then I gave him my sweetest smile .
"Okay." He said then he shrugged.
Nagiinit talaga ang ulo ko sa isang iyon! Sino ba siya!? Mukha siyang Senior na, kaya ba ganyan siya kayabang? Ts!
Umalis na siya pero before he walk away, he patted my back and gave me a look that makes me want to punch him.
BINABASA MO ANG
My Love for the Campus Nerd (Ongoing)
Teen FictionA story about a nerd and boyish girl. (Cliche) Every story basically has the same plot. A nerd who met someone who then will transformed him into a handsome man and they will probably fall in love with each other. If you think this story is about th...