Chapter 28

95 1 0
                                    

-- Shayne's POV --

"D.."

Lumapit ako kay D. Hindi siya nakatingin sakin pero alam kong konti na lang iiyak na talaga siya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.

And there it goes..

Umiyak si D.

"Shayne.. wala akong ginawa."

"Alam ko D, naniniwala ako sayo."

"Pero.. hindi siya naniniwala."

"Ssshhh.." Hinimas himas ko yung likod niya.

"D, halika na. Sa kwarto ko na lang muna tayo. Ayusan kita ulit, mukha ka ng hindi angel eh. Mukha ka ng Fallen angel."

And yep, I chose plain white dress for her.. since,

..she's a fallen angel. Remember?

*

"Aray naman!"

"Saglit lang naman. Eh napakatalim naman pala ng kuko ng babaeng yun. Puro galos na mukha mo ah."

"Tss!"

"Saglit lang. Kukuha lang ako ng first aid kit tska pati ng damit."

Pumasok na ako sa walk-in closet ko para maghalungkat. Hindi ko kasi alam kung nasan ko nilagay yung First Aid kit, hindi ko naman kasi ginagamit yun dati.

Good Luck sa akin. Hays.

-- D's POV--

"Ahhhh.." Humiga ako sa kama, sarap talaga sa feeling kapag nakahiga ka sa kama parang walang problema .. yung tipong okay lahat.

Paano na ba ako ngayon? Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko. Isuko ko na lang kaya lahat ng to? Wala naman akong laban sa babaeng yon. Kaibigan lang kasi ako. Mukha naman kasing ayaw na akong maging kaibigan ni Rojee. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya parang ilag sa akin. Nahihirapan na ako sa sitwasyon naming dalawa. Itigil ko na lang kaya ang lahat ng to? Aalis naman siya ng isang buwan. Gagamitin ko na lang siguro yung oras na yun para makalimot. Pero gusto ko.. gusto ko ng umamin sa kanya. Para alam ko na sa sarili ko na talagang pagkatapos nito, tapos na lahat.

"Shayne?" Tumayo ako sa kama at hinanap si Shayne. I'm pretty sure na di naman siya lumabas.

"Bakit?" Nakita kong sumilip si Shayne sa isang pinto. "Saglit lang, nakita ko na yung first aid kit."

"Gusto ko ng umuwi.." Nakita kong lumabas si Shayne at lumapit sa siya akin na parang awang awa siya sa akin.

Ayaw ko ng tinitignan ako ng ganyan. Alodia.. binaon na kita sa limot. Kailangan ko ng gisingin ulit si D.

**
"Mama. Nakauwi na po ako. Matutulog na po ako!" Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at naglock. Patay ako pag nakita ako ng mama na ganito ang itsura ko.

Hindi pa tapos ang gabi. May kailangan pa akong gawin.

Kinuha ko yung bag ko tska ko tinaktak lahat ng laman. Andito lang yon. Dito ko yun huling nakita. Nakita kong nalaglag siya sa sahig. Aamin na ako. Maniwala ka man o hindi.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Hinanap ko kaagad yung sasakyan nina Shayne. Sobrang laki talaga ng utang na loob ko kay Shayne kung hindi dahil sa kanya baka di na ako nakausad. Doon na lang ako.

"Nakita mo ba yung hinahanap mo?" Tanong ni Shayne pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan nila.

"Ahh. Oo. Sana maayos na lahat."

"Pero D, wag kang mageexpect ha. Alam mo naman.. " Hinawakan ni Shayne yung kamay ko tska niya ako niyakap.

Hindi ko na lang namalayan na naiyak na pala ako.

"Tara na. Ano ka ba." Pinahid ko yung luha sa mga mata ko at tska ako tumingin sa labas.

**
Nakarating na kami sa bahay nina Shayne. Nakajacket ako kasi di talaga ako kumportable sa damit ko. Nanginginig din ako, hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil kinakabahan ako.

"Shayne! Saan ka ba galing ha!? Itong batang to!" Nakita kong may nakatayong matandang lalaki doon sa may buffet table at may katabi siyang isang lalaki na naka-suit.

"Dad!" Tumakbo si Shayne doon sa may matandang lalaki at humalik sa pisnge nito.

Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa papa ni Shayne pero dahil..

"D!" Narinig kong tinatawag ako ni Shayne. Pero hindi ako makagalaw, nakatingin lang ako sa taong nasa harap ko..

Hindi pwede to.

Wala na siya.

Wala na siya..

Patay na siya.

Unti-unti siyang napatingin sa akin. Kita mo ang gulat sa mga mata niya. Nabitawan niya ang hawak niyang wine glass.

"Mr. Midorima? Daijobu desu ka?"

Tumulo ang luha ko. Miss na miss na kita..

"..Papa."

--

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon