Chapter 12 - Alam mo..

83 2 0
                                    

-- Rojee's POV --

Two weeks na ang nakakapalipas magmula nung first day of school. As usual, wala pa ding kumakausap at lumalapit sa akin.

Maliban sa isa..

Si Alodia.

Tss! Hindi ako natutuwa at hindi rin naman ako nasusura. Oo, alodia pa din ang tawag ko sa kanya kahit na kulang na lang eh baliin niya yung buto ko sa sobrang inis at galit kapag tinatawag ko siya ng ganun. Pero ang cute kaya niya kapag nagagalit.

Ano ba yan!! Mukha na akong bakla! Ayaw ko na nga.

Lechugas~! Yung babaeng yun, magmula ng makilala ko hindi na ako makapag-concentrate sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Wala din naman akong magagawa na sumama sa kanya kasi siya lang at si Shayne ang nakakausap ko dito, kahit papano ayaw ko naman maging mukhang loner. Nerd na nga ako eh, Loner pa. Nakakaawa naman ako. 

Besides, kahit wala naman siyang ginagawa o sinasabi .. naapektuhan pa din ako sa kanya. Bwiset! Paano ba naman oras na magsalita siya sisiguraduhin ko sa inyong nakakaspeechless, pero pag tinignan mo siya para wala lang yung mga sinasabi niya pero ang totoo ang lakas ng impact nung mga sinasabi niya. Pero madalang magsalita ng Words of Wisdom yun, dahil puro pang-aasar at pambabara ang alam na gawin.

Natatawa na nga lang ako dun eh, dahil natrauma ata sa bahay namin dahil kahit anong gawing pilit ni Shayne na bumalik siya sa bahay namin ay kung ano anong pagdadahilan ang sinasabi. Manong, 'May lakad kami ni Mama eh' o kaya naman 'Masakit yung tiyan ko eh'.

Biruin niyo yun naging kaibigan ko talaga tong babaeng yun, hindi ko nga alam kung kaibigan talaga eh dahil madalas kaming mag-away na dalawa. Magugulat na lang kami bigla kasi wala na pala si Shayne at siyempre mawawala ba naman ang sisihan.

"Hoy! Nerdy, lalim ng iniisip ah! Hindi ko mareach.." Sabi ni Alodia. Bigla ko namang naalala kung nasan ako.

Hmmmph! 

Lately, lagi akong nag-iispace out tapos puro si Alodia lang ang iniisip ko. Ts! Immune na ata ako dun sa babaeng yun eh! 

Ayy! Nasa Canteen pala kami ngayon. Kasi Lunch break  matagal ang lunch break sa Seiho Academy kaya nakakapagpahinga muna ang mga estudyante.

Tumingin naman ako kay Alodia at nakangiti siya ng nakakaloko. At kapag ngumiti yan ng nakakaloko, kinikilabutan ako dahil alam kong may pinaplano nanaman tong hindi maganda.

"Ano nanaman ang pinaplano mo sakin?" Tanong ko sa kanya tapos inirapan ko siya.

"Yuck! Nang-iirap ka?? HHAHAHA . Are you gay? " Tawa naman siya ng tawa.

Ts! Kainis talaga tong babaeng toh eh, sarap buhusan ng tubig!

Speaking of tubig, makainom na nga lang. Kinuha ko yung tubig ko at uminom na lang..

1

2

3 seconds..

*gulp*

Naibuga ko yung tubig sa mukha ni Alodia. Patay! Eh.. Ano ba naman kasing tubig toh!!? Lasang SUKA!! 

My Love for the Campus Nerd (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon