Chapter 1

58.9K 1.4K 2.4K
                                    

Elijah Quiel Montero

Kinakabahan at dahan dahan akong pumasok sa loob ng condo ni ate upang hindi makagawa ng kahit ano mang ingay. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin kong sarado na ang lahat ng ilaw sa loob.

Hmm.. tulog na din siguro si ate, mabuti naman kung ganon dahil kung nagkataon na naabutan niya akong madaling araw na nakauwi ay baka kung ano na ang katakot-takot na nangyari sa akin ngayon.

Siguro makikita niyo nalang ang kagandahan ko kinabukasan na nakasako na at nakasabit sa kung saan habang walang buhay-charot!

Well anyway, kay ate nga pala itong condo na tinutuluyan ko ngayon dahil hindi naman talaga ako taga dito sa manila, lumuwas lang ako galing ng probinsya para makapag mag-aral dito ng kolehiyo at isa rin pala akong scholar sa University na pinapasukan ko ngayon, which is pinag tratrabahuhan din ng ate ko.

Professor kasi si ate sa University na pinapasukan ko. Kaya ang hirap talagang gumawa ng kahit anong kalokohan dahil ampota! nakakaabot agad sa kaniya ang lahat ng ginagawa ko! Pambihirang buhay to!

Ang ganda ko nga wala namang thrill ang pagpasok ko sa University, wala rin! Ang sakit niyong lahat!

Pambi-

"Potangina!"

Napatalon ako sa gulat dahil pagsara ko palang ng pintuan ay siya rin namang pagbukas ng mga ilaw sa loob. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin na kay ate Jeremiah na walang emosyon na nakatingin lang sa akin. Nasa kitchen siya ngayon habang mataray na naka cross arm at may hawak hawak ang isang kamay na kutsilyo?

Tang-Omg! Patay na!

"Anong oras na?" malamig na tanong pa nito maya maya bago dahan dahan na ibinaba ang hawak niyang kutsilyo. Napayuko naman ako at lihim na napalunok.

Anong oras na nga ba? Teka nga- kunyari pa akong nag angat ng tingin sa king saan ngunit lihim nalang akong napangisi dahil mabilis ko lang din naman na nakita ang oras sa orasan.

Two am na?! Ampota talaga! Late na late na nga kaya yari ako ngayon huhuhu, sorry na po napasarap lang- hala!

"Anong oras na?!" bahagya akong napaigtad ng muli nitong ulitin ang tanong niya ngunit sa pagalit na naparaan. Jusko, pambihira talaga!

"Two am." kagat labing sagot ko nalang.

Kailangan ko talagang sumagot na kahit galit siya dahil kung mananahimik lang ako dito sa isang tabi at hindi magsasalita ay mas lalo siyang magagalit at ikakapahamak pa ng kagandahan ko yun! Di na uy!

"Oh! Alam mo naman palang, Two am na! Madaling araw na Elijah! Ganyan ba ang uwi ng matinong babae ha?!" napapikit naman ako ng malakas itong sumigaw.

Sorry ate, baka hindi talaga ako babae hehe.

"Aray ate! Yung tenga ko naman kung makapingot ka naman diyan ee! baka maputol kaya!" mangiyak ngiyak na bulalas ko pa ng bigla nalang itong nagmamadaling lumapit at hinatak ng madiin ang tenga ko.

Pambihira! sadista talaga! Manang mana sa pinagmanahan ee!

Hindi ko naman sinasabi na kay mama siya nagmana ah? Hindi naman talaga hehe.

"Sorry na-"

"Pasalamat ka at pagod ako ngayon kung hindi-nako ka talaga!" nanggigil na sabi niya at pinitik pa ako sa ilong.

"Aww! Sorry na nga ee, hindi na mauulit." nakangusong sabi ko habang hinahaplos ang tenga at ilong ko. Sumusobra na siya ah.

"Talagang hindi na mauulit dahil hindi kana makakaulit!" pairap pang sabi niya at muling mataray na nag cross arm sa harap ko.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon