Lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa unang class ko today kasi naman--my god, mga mare! nalate ang gising ko ngayon dahil napuyat lang naman ako sa kakanood ng anime kagabi, actually inabot na talaga ako ng madaling araw hehe.
Hindi din naman ako ginising ng mahal kong kapatid na sa paglakaalam ko ay same rin kami ng schedule today. Hindi na ako lab ni ate huhuhu.
Sadgirl na ako.
Dahil sa aking pag mamadali ay hindi ko na napansin pagkaliko na pagkaliko ko sa aking daan na tinatahak ay may tao akong mababanga!
Jusko naman lord! Kung kailan naman nag madadali yung tao, Letche talaga!
Dahil sa lakas ng impack ng pagkakabungguan naming dalawa ay napaupo ako sa sahig at halos namanhid pa ang puwet ko! Samantalang siya or king sino man iyong gagang iyon ay ang mga papel lang na hawak hawak niya ang mga nagkalaglagan! Pambihira.
Napabuga pa muna ako ng hininga bago inis na tumayo at inis na inis rin na pinagpagan ang sarili.
"Tatanga tanga naman kasi ee! Kita mong nag mamadali yung tao, mangbabangga ka pang letche ka-Pambihira!" inis na bulalas ko habang hindi parin tumitingin sa taong nakabangga ko.
Abala parin ako sa pagpapagpag at pag aayos sa aking sarili ng mapansin ko na hindi parin ito gumagalaw sa puwesto o kinatatayuan niya ngayon o kunin man lang ba yung mga papel niya na nalaglag niya dahil sa katangahan niya!
Aba, gusto pa ata na ako ang mag pulot ng mga papel niya ah? Sa ganda kong to? Mahiya naman siya sa sarili niya diba?
"Ano pang tinatanga tanga mo diya---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pag angat ng tingin ko dito ay halos lumabas na ang aking magagandang mata sa pagkagulat kung sino ang taong nasa harap ko ngayon!
Lord-sorry po!
Unang bumugad sa saking paningin ay ang light green niyang mga mata na wala na namang ka emoemosyon na makikita, pero ramdam ko ang panganib nito ngayon. Omg! I'm dead.
"Prof-"
"What are you saying again, Montero?" animong bored pa na tanong nito pero nakataas na ang kilay.
"H-Ha? hehe... W-Wala po." kinakabahang sagot ko at pilit na inaalis ang kaba na aking nararamdaman.
Kunyari pa akong umubo at alanganing nginitian siya. umupo agad na ako para kunin ang papel na nalalaglag sa kaniya at para na din makaiwas sa mapanganib niyang mga mata, Inaayos ko muna ang mga papel na aking pinukot bago nakangiting tumayo na at iabot ang mga iyon sa kaniya.
Napakagat labi naman ako ng padabog pa nitong kinuha ang mga papel mula sa akin. Attitude amp.
"Sorr---" nabitin ang dapat na sasabihin ko ng malakas ay hindi--sobrang lakas lang na isinampal niya sa akin yung papel na inabot ko sa kaniya, sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay napatabingi pa sa kabilang gilid ang aking ulo at nakagawa pa ito ng malakas na ingay.
Tangina?
"Stupid."
Nakaamang na nakahawak ako sa aking pisnge habang tanaw tanaw siya dahil walang sasabi itong umalis pagkatapos kong marinig ang katagang binanggit niya.
Grabe.
Sadista.
Kawawa naman ang mapapangasawa niya.
Napailing nalang ako at pagak na natawa. Hindi na ako nag abala pang magmadaling pumasok sa unang class ko dahil alam ko namang anytime ay matatapos na rin iyon. Pasipol sipol lang akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa room namin at saktong palabas na yung unang Prof. namin.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...