"People on the earth?!?!"
Lahat kami ay nagugulat na napatingin sa pinanggalingan ng pagsigaw na iyon. Ang hudas lang pala na si Lenesha, naroon siya sa may pinto ng classroom namin at naghahabol hininga pang nakahawak sa tunod niya.
Ano na naman kayang trip nito ngayon?
"Natatanga ka na naman ata, Lenesha." pang iinis agad ng hudas na si Caleb.
Umirap lang si Lenesha sa kaniya at nagpunta na sa unahan.
"Announcement!!!!!"
Napangiwi nalang ako sa lakas ng boses niya. Hindi talaga ako makakapayag na magiging sister in law ko ang hudas na ito.
Mukang hanggang paggising at pagpagtulog ko nalang ee magiging mabubungot agad.
"Pwede bang wag kang sumigaw?! Nakakarindi ka na, tanga!" ang naiinis agad na ungot ni Silviana.
"Kaya nga!" nakangising gatong naman ni Zera.
"Agree." gatong ko din.
"Ikaw! ikaw! At ikaw! At isa kapa!" isa isa kaming tinuro nito habang nakasimangot. "Parang hindi kayo mga kaibigan ah?!" ngumuso pa ang hudas, nagmuka tuloy siyang sadgirl na pato.
Hindi talaga bagay sa kaniya yung nanguso, nagmumukha lang siyang tanga sa paningin ko ee.
"Ano bang Announcement mo ganda?"
Nakapangisi nalang kami ng biglang lumagkit ang tingin ni Lenesha. Certified uto-uto goes to... Lenesha Villanueva!
"Well, pogi ehe..." napatakip ako ng bibig upang pigilan ang aking halakhak. Nakita kong napatampal sa noo si Silviana.
Stress ang lola niyo.
"Tangina, iba talaga kapag tinamaan ang isang yun ng kalandian." rinig ko pang pahayag ni Zera.
"Isumbong iyan kay Prof. Montero!!" mahinang sigaw ni Caleb.
Napangisi naman ako ng malaki ng kinakabahang napatingin sa gawi ko si Lenesha. Tinaasan ko ito ng kilay kaya ngumiwi siya.
"Hey, Lenesha? Ano yung announcement?" singit nung mukang singit naming kaklase.
"Nagmamadali ka? Ikaw na mag announce!"
"Duh? Hindi ko nga alam kung about saan yang announcement mo, or baka nagpapapansin ka lang talaga?" ngumisi pa ito. Automatic na tumaas ang kilay ko at ng mga hudas.
Aba, kami lang ang pwedeng umapi at kawawain yan.
"Gago ka pala ee---"
"Lenesha." agad na awat ni Silviana at umiling pa, nagpapahiwatig na wag patulan.
Bumuga naman ng hininga ang hudas at umirap kay singit.
"Well, dahil educated akong tao hindi kita papatulan... Sa ngayon. Anyways get ready dahil may surprise quiz daw yung asawa ko pero dahil sinabi kona, hindi na siya surprise hehe." tumawa pa ang hudas bago umupo sa seat niya.
Rinig namin ang reklamo ng mga iba at ang iba naman ay nagsimula nang ilabas ang mga notes nila.
"Gago, may surprise quiz? Bakit hindi sinabi?" ang tangang si Zera.
"Bobo! Kaya nga surprise quiz diba? Kasi nga surprise! Bakit sasabihin?!" ang hudas na si Caleb.
"Bobo ka din! Quiz nga diba? Kailangan sabihan tayo kasi paano nalang kung hindi tayo nakapag review? Edi bagsak na tayo agad!"
"Oo nga no? Bakit hindi ko na isip yun? pero naks ah! Ang talino mo ngayon."
"Syempre, ako lang to."
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...