"Goodmorning pretty ladies!" masiglang bati ko agad sa dalawa at naupo sa harap nila.
Busy silang dalawa ng maabutan ko, si ate sa cellphone niya habang si Prof. Saavedra naman nagbabasa ng diaryo. Napanguso lang ako ng tignan lang ako ng dalawa at bumalik ulit sa ginagawa nila.
"It's look like, ako lang ata ang maganda ang gising?" nakangising sabi ko at tumayo na para magtimpla ng kape.
"Sino ba naman gaganda ang gising if you didn't sleep well?" malamig pang pahayag ni ate bago humigop ng kape niya.
Taka naman akong napatingin sa kaniya bago umupo ulit sa harap nila habang daladala ang aking kape.
"Why? Bakit hindi ka nakatulog ng maayos?" nag aalalang tanong ko.
Baka kasi may problema siya diba?
Umirap naman ito sa akin kaya agad na napataas ang kilay ko sa pagtataka.
"May mga asong ulol kasi na ungol ng ungol kagabi."
Halos sabay pa kaming naubo ni Prof. Saavedra dahil sa pahayag na iyon ni ate. Agad akong napaiwas sa kaniya ng tingin at batid ko rin na namumula na ang aking buong mukha dahil sa kahihiyan.
Omg!
Narinig niya!
"Mukang nakalimutan ata ng mga asong ulol na yun na hindi sound proof ang aking condo." nakangisi pang sabi ni ate at nang aasar na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Prof. Saavedra.
"G-Grabe naman yung mga asong ulol na yun." kunyari pang sabi ko, napangiwi nalang ako nang sabay pang umikot ang mata nung dalawang gurang.
Bakit nga ba nakalimutan ko ang bagay na iyon?
Argh! Tanga naman!
Namayani ang napakahabang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Ang boring talaga nilang kasama, wala man lang kahit anong chismiss jusko!
"Mag sisimba pala ako ate." agad na sabi ko ng maalala ko.
"What? Tapos na ang misa ngayong umaga ah?" nakataas pa ang kilay na sabi nito.
"Oo nga pala, bibisitahin ko nalang si Father, baka namiss na nun yung ganda ko." nakangising sabi ko.
Nakangiwing tumango lang si ate kaya agad na napangiti ako ng malaki pero agad din akong napangiwi at sabay kaming napabaling ni ate ng tingin kay Prof. Saavedra dahil bigla nitong hinampas ang table.
"Problema mo?" nagtataka pang tanong ni ate dito.
Hindi nito pinansin si ate bagkos nanlilisik lang ang mata nitong nakatingin sa akin. Napakunot ang noo dahil dun.
Anong ginawa ko bukod sa binitin siya?
"Sinong father?! At may pamiss miss ka pang nalalaman!?"
Agad na napaamang akong nakatingin sa kaniya na galit na galit na itong nakatingin sa akin. Magsasalita na sana ako ng biglang tumawa ng malakas si ate kaya napabaling ang tingin namin dito.
Napailing nalang ako dahil parang baliw na itong nakaturo pa kay Prof. Saavedra na walang emosyon lang na nakatingin sa kaniya.
Maya maya pa ay natigil na ito sa pagtawa at nag seryosong nakipagtitigan kay Prof. Saavedra.
Abno!
"Hoy, ikaw babae ka--"
"Siguro." sarcastic pang pagputol ni Prof. Saavedra, gusto ko sanang tumawa kaso baka ako ang pag initan kaya wag nalang.
"Che! Ilugar mo nga yang selos mo ah! Kanina ako na mismong kapatid niya--" hindi pa ito makapaniwalang tinuro ako. "...pinagseselosan mo kasi sabay kaming naliligo? Tapos ngayon pati pari naman? Aba naman, Veymie! Ayusin mo ang buhay mo kung ayaw mong sabunutan kita."
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...