Chapter 18

26.6K 830 778
                                    

"Omg! Finally!! Hello, Korea!!!" tuwang tuwa pa akong tumatalon habang nakataas ang mga kamay.

Omg lang diba?! Hindi ko alam na dito niya pala ako idadate kung sinabi niya lang agad edi sana hindi na ako nag inarte pa kanina diba? Pano nalang kung hindi niya ako pinilit? Edi goodbye Korea na sana!

Nako!

Matagal ko na kasi talagang pangarap na makapunta dito sa Korea, bata palang siguro ako. kasi alam niyo na madaming fafa. Choss lang maganda kasi talaga dito sa Korea.

Agad akong napatigil at napatakip ng bibig ng mapansin kong nasa akin na ang atensyon ng mga tao. Nahihiyang napayuko nalang ako at nakangusong kumapit sa braso ni Prof. Saavedra.

"Geunyeoneun naekkeoya, geuleoni mulleona. (She's mine, so back off.)" wala pang emosyon na sabi ni Prof. Saavedra sa mga ito at hinatak na ako sa kung saan.

"Ano yung sinabi mo kanina?" curios na tanong ko sa kaniya.

Marunong pala siyang mag korean? Aba sana all! Makapag paturo nga...

Inirapan naman ako nito kaya napairap din ako sa kaniya. Agad akong napalayo sa kaniya habang nakangiwi dahil madiin lang naman ako nitong kurutin sa aking bewang.

Sadista talaga.

"Sinabi ko sa kanila na baliw ka." wala paring emosyon na sabi nito at iniwan na ako.

Baliw siguro sayo, oo.

Charot!

Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya at dali daling sumunod sa kaniya. Mahirap na baka maligaw ako sayang naman ang aking beauty.

"Where do you want to go first?" tanong nito bago lumingon sa akin.

"Sa puso ni Veymie ko." Nakangisi pang sagot ko, lihim naman akong natawa ng makita kong namula ang pisnge niya.

Kilig yarn?

"What the fvck, Montero!"

Natatawang inilagan ko nalang ang sipa nito. Tinawanan ko naman siya ng malakas dahil nailagan ko yung sandals niya na inihagis niya sa puwesto ko.

Masama palang pakiligin ito.

Okay po, hindi na mauulit haha.

Wala kaming ginawa buong araw kundi ang gumala lang kung saan saang sulok dito sa korea. Sa dami naming napuntahan ay kakaunti lang ang aking mga natandaan like sa Namiseom Island, ang napaka aliwalas na Hallasan National Park, bulguksa temple pero ang pinaka nagustuhan ko talaga ay ang napaka gandang Huwon Secret garden na ang sa pag kakaalam ko ay hindi ka basta basta pwedeng makapunta dun pero dahil siya si Veymie Saavedra walang impossible sa kaniya.

May isa pa din akong nagustuhan, si Prof-- joke! Yung Seoul's Street Food Markets, ang sarap ng mga pagkain mga mare! The cool thing about this market and most food markets in Seoul, is that the majority of these food stalls are like little mini restaurants in that they have a row of stools and a counter, so you can sit and eat. It's also cool that most stands will offer you a free sample to try their offerings.

Sobrang saya ko ngayong araw at enjoy na enjoy talaga ako kakagala at kakakain, at sa tingin ko rin naman ay nag enjoy rin si Prof. Saavedra...

Sa kakatitig sa akin.

Totoo nga, promise! Hindi ko nga alam kung kikiligin ba ako or what ee buong gala kasi namin nakatitig at nakangiti lang siya sa akin.

Sa tuwing mapapatingin kasi ako sa gawi niya napapansin ko na nasa akin lang ang atensyon niya.

Gosh! Ang ganda ko talaga!

Assuming na ba ako kung sasabihin kong... Mukang masaya siya na nakikita akong masaya?

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon