"Ate! pahiram ng---ehem." agad akongh magtama ang tingin namin ng taong palaging gumugulo sa isip ko.
Hindi lang isipan ko ang ginugulo niya pati bulbul-este buhay ko pala.
Magkaharap lang sila ni ate ngayon ng inuupuan at parehas na busy ng abutan ko sa kanilang ginagawa sa laptop nila.
"What?" animong mataray pa na tanong ni ate at napangiwi nalang ako dahil ng lingunin ko ito ay nakataas na ang kilay niya sa akin.
Sungit talaga.
"Ahm.. ano kasi... Maghihiram sana ako ng laptop, ginagamit mo pala." napapakamot nalang sa ulo na sabi ko.
"Later, may tinatapos lang ako sa lesson plan ko." sabi naman niya kaya agad na nginitian ko siya at tumango nalang.
"Okay, thank--" akma na sana akong tatalikod sa kanila ng marinig ko na magsalita yung isang hindi ko kakilala.
Char.
"Here, use mine." sa tono ng boses nito ay parang kailngan mo agad na sundin.
Parehas pang napaawang ang bibig namin ni ate ng bumaling kami ng tingin dun sa hindi ko kakilala choss, kay Prof. Saavedra.
Ano na naman kayang trip niya?
Maliit pa itong nakangiti habang nakatingin sa aking iniuuusog ang laptop niya palapit sa akin. Napakagat ako ng labi ng ngumuso pa siya dahil nakatingin lang ako sa kaniya.
Agad na napailing nalang ako sa kaniya ng makita kong tumataas na ang kilay ni ate ng bumaling siya sa akin ng tingin.
Bakit parang kasalanan ko pa?
Mema talaga tong isang to.
"No, thanks." malamig na sabi ko bago tumalikod na sa kanila ng tuluyan.
Napanguso nalang ako at malalim na bumugtong hininga ng makapasok na ako ng kwarto ko.
Kainis.
Inis na napahilata nalang ako sa aking higaan at tumulala nalang habang malalim ang aking iniisip, pero hindi ee. Parang lutang lang ako, walang napasok sa isipan ko ngayon.
Kapag nandito ako sa bahay bihira nalang akong lumabas ng kwarto ko dahil alam kong once na lumabas ako gaya nalang kanina makikita ko agad siya. Simula kasi nung nakaraan ay dito na siya tumutuloy, sabi naman ni ate pansamantala lang daw.
Sus, baka nga nag lilive in na talaga sila nung special someone niya. Duh!
Kainis.
Simula din nung tumira na siya dito ay hindi ko na siya kinakausap tanging sulyap nalang ang nagagawa ko kapag hindi siya nakatingin.
Grr!
Hanggang ngayon wala parin akong alam kung ano ba talagang meron sa kanila ni ate.
Nakakainis lang.
Inis na napadapa ako ng higa at pinagsusuntok ang unan.
Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay kailangan nang mamili, isa lang ang maaari~
Walang buhay nalang akong natawa ng bigla nalang pumasok sa isipan ko yung kantang yun. Tangina.
Agad na napabalikwas ako mula sa pagkakadapa ng marinig ko na biglang bumukas at sumura ng malakas yung pinto ng kwarto ko.
"What the---"
Agad akong napairap at dumapang muli ng bumungad na naman sa akin ang mukha niya na wala na namang kaemo-emosyon!
Letche! Bakit kapag kay ate lagi siyang nakangiti, bakita kapag sa akin--ugh! Nevermind! Wala naman akong care!
"Montero." malamig na tawag pa niya.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...