Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.***********
A/N: Someone request. So, pakihanda po ang inyong mga sarili. Thank you! 😚😉
=============
"Omoooooo!!!!! I'm ready na!!!! Game naaaaa---tangina mo Eq! Masakit yun gago!" inis na bulalas agad ng hudas na si Zera ng batukan ko ito ng malakas dahil sa kaingayan ng bunganga niya.
"Ang sakit mo kaya sa tenga." naiinis na inirapan ko pa ito.
"Potanginamo--"
Handa na rin niya sana akong batukan pabalik ngunit agad na natigilan ito at natatakot na napatago ng mabilis sa gilid ni Mareng Lincoln ng nakita niyang tinignan siya ng asawa ko ng masama. Mahina naman akong natawa at nang aasar pa na dinilaan siya ngunit palihim na inirapan lang ako ng matalim ng gaga.
May one week family Vacation kasi kami ngayon, actually pang two days na ata namin today, ewan ko lang. Basta nandito kami sa isa sa mga private beach resort ng mga Juarez, ang gagang si Lincoln na iyon--grabe, nakakagulat ang gaga! akala ko naman kasi ay isang hamak na nerd lamang siya, yun naman pa ay napakayaman ng gaga!
Actually, naging medyo magkaibigan na din kaming dalawa ewan ko lang sa kaniya kung kaibigan din ba ang tingin niya sa akin dahil lagi namang badtrip ang gagang iyon sa akin. Maganda siyang maging kaibigan kasi nauutungan ko talaga siya tapos kunyari nakalimutan ko lang at hindi ko na siya binabayaran pa. Ganon kasi ang friendship! Tignan mo may natamaan na nagbabasa.
Ayon na nga, balik tayo sa topic mga mare pero yung iba diyan hindi na binalikan. Ay, sorry sadya!
Kasama namin ang lahat ng family namin kaya nandito din ang hudas si Zera dahil belong daw siya sa family ng mga Juarez. Assumera din ang gaga porket asawa ni tito Vladimir ang nanay niya. Pero may something akong naamoy sa ate ng gagang si Lincoln, pero ayoko namang mag isip ng kung ano sa ate ni Lincoln pero kung totoo man ang hinala ko--nako, Zera! Jackpot pa yan sa jackpot! Kaganda ba namang babae.
Tulog na din pala ang mga parents namin kasama ang mga anak namin dahil gabing gabi na din naman, malapit na ngang sumapit ang alas dose ng madaling araw ee. nandito parin kami sa kubo malapit dito sa may dagat. Actually, nakakainis na nakakaiyak na talaga ee.. alam niyo ba yung feeling na excited ka sa vacation na ganito tapos dinatnan ka bigla ng red days sa araw na iyon? Diba?! Nakakainis! Pakshit!
Hindi pa tuloy ako nakakakapag enjoy sa paglangoy dahil sa pesteng red days na ito, ayoko naaaaa!!! Galit na ako!!!
"Game na!! Ang game na ito ay tinatawag na truth or dare kung hindi niyo lang naman alam, ano?! Ganito naman ang magiging takbo ng laro--"
"Ay, habulan pala?" tangang putol pa ng hudas na si Zera sa sinasabi ni Madam Russell.
"Bobo! Bahala ka na sa buhay mo! Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan sayo ni Saz---nevermind, ang tanga mo parin." ngisi ngising sabi pa ni Madam Russell.
"Ha? Saz-what? Nino?" kunot-noong tanong pa ni Zera.
"Tignan mo? Tanga nga talaga! Bahala ka diyan! Okay, balik na ulit ako sa sinasabi ko kanina--kung kanino tumapat yung nguso nung bote ay siya ang bibigyan ng tanong or kaya naman ng dare, Tapos kung kanino naman tumapat yung pwetan ng bote ay siya naman yung mag tatanong or magpapagawa ng dare. Gets niyo ba?" taas kilay na tinignan pa kami nitong lahat.
Walang ganang tinanguan lang siya ng mga Professor na kasama namin kaya inis na napasinghal ito na kinatawa ko nalang ng mahina. Nakangiting nilingon ko ang asawa ko na katabi ko lang ng maramdaman ko na ipinatong niya ang ulo niya sa aking balikat. Natawa naman ako dahil matalim na inirapan lang ako nito bago mag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...