Chapter 8

33.8K 1K 1.2K
                                    

Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

***

Bakit ka nakangiti kaibigan?

===============

"Yes? What are doing here, Montero?" makikita mo ang pagtataka sa mukha na tanong ni Prof. Saavedra.

Nakakapagtaka siguro talaga kasi dapat may klase ako ngayong oras.

"Hi, Prof. Saavedra." nakangiting kumaway pa ako sa kaniya ngunit hindi man lang nagbago ang reaction niya kaya naman nakangiting pumasok nalang ako ng tuluyan sa office niya.

"Prof. Saavedra-"

"Get out." agad na utos nito sa akin kaya agad na napakamot ako sa along ulo.

"Kakapasok ko lang ee, get out na agad? Hindi ba niya ako namiss? Sus." nakangusong bulong ko sa sarili.

"Are you saying something?" nakataas na ang kilay na tanong ni sa akin

Agad naman akong umiling lang sa kaniya. Namiss ko siya kaya dapat miss niya rin ako diba? Ang unfair naman ata kung ako lang ang nakakamiss sa amin.

"If I'm not mistaken.. You have a class right now, I am right Montero?" taas kilay na pahayag pa nito at mataray na sumandal sa kaniyang upuan.

"Di mo sure." mahinang sagot ko.

"What?!" bulalas nito kaya kinakabahan na napangiwi ako. Gagi, mahina lang yun ah? Narinig pa niya?

"Vacant po, Absent po yung Professor namin today." agad na sagot ko dahil bakit naman High blood agad ang lola niyo.

"Can you please cut that po of yours, hindi ka naman mukang magalang." inirapan pa ako nito at muling nagpatuloy sa kaniyang ginagawa kanina bago ako pumasok dito.

Ay, okay po.

Napanguso nalang ako at dahan dahang naupo nalang sa malambot nitong sofa. Gulat pa ako ng muli ko itong balingan ng tingin sa kaniyang puwesto dahil agad na nakataas na ang kilay nito sa akin. Grabe uupo lang ee.

"So, what are you doing here?" tanong nitong muli sa akin.

"Tatambay." nakangiti ng matamis na pahayag ko.

Baka effective ee. Ayoko kasing kasama ngayon yung mga hudas, nakakabobo silang kasama charot! Gusto ko lang talagang makita ang kagandahan ni Prof. Saavedra.

"No, get out. Hindi tambayan ang office ko."

"Pero--"

"No more buts Montero, Get the hell your ass out of here." madiing sabi pa nito at tinignan pa ako ng mariin na parang pinapahiwatig na dapat kong sundin ang sinabi niya.

Grabe siya parang nung nakaraan lang ay hindi siya magkanda ugaga kakahabol sa beauty ko tapos ngayon kulang nalang isumpa pa ako, mapaalis lang sa harapan niya.

Lihim nalang akong napairap dahil sa naisip ko. Bahala kana diyan, hindi tayo bati hmp!

"Okay, fine. Kay Madam Russell nalang ako makipag talk. Babush!"

Kumaway pa ako dito bago magsimulang na maglakad ngunit malapit palang sana ako sa may pinto ng office niya para lumabas ng biglang may tumama sa batok ko mismo na isang sandals.

Tangina.

May takong yun mga mare.

Ang sakit!

"You're not going anywhere! You're not going to that bitch!" galit na galit sigaw nito sa akin.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon