Chapter 7

32.8K 996 576
                                    

Pasipol sipol lang ako habang nakapamulsang naglalakad ngayon dito sa kalagitnaan ng hallway, wala pa namang masyadong tao ngayon dahil medyo maaga pa.

"Elijah baby!"

Isang linggo na ang nakakalipas, isang linggo na mula ng iwasan ko si Prof. Saavedra gaya nga ng sabi ni ate. Isang linggo palang yun pero para na akong walang kabuhay buhay na nalalantang halaman.

Hayss ganito pala ang feeling kapag iniiwasan si crush-charot!

Sa isang linggong yun ginawa ko ang lahat lahat ng makakakaya ko upang maiwasan ko lang siya, yung tipong kapag alam kona na makakasalubong ko siya sa kung saan mang parte ng university na ito ay agad akong magtatago o liliko ng landas wag lang niya akong makita. Sa isang linggo ring iyon ay hindi ko malaman ang aking gagawin dahil palagi niya akong sinasabihan at pinapaalalahanan bago siya lumabas ng room namin na pumunta sa office niya pagkatapos ng klase ko or kahit break time namin pero hindi ko iyon sinusunod kahit gustong gusto ko siyang makasama, alam ko rin namang galit na siya sa ginagawa ko, or sabihin na natin na galit na galit na siya dahil may araw na bigla nalang itong sumusulpot sa kung saan na may masamang masama tingin sa akim at hahatakin nalang ako bigla ng marahas. Masakit yun dahil parang bihubuhos na niya talaga lahat ng sama ng loob niya makatahatak lang ako pero agad din naman akong nagpupumiglas sa kaniya at tatakbuhan siya.

Ang hirap umiwas sa kaniya dahil hindi siya nag papatalo. Pero kailangan ko ding hindi magpatalo sa kaniya kahit nakakapanghina ang mga pangyayari ngayon.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng kapalit ng cellphone ko ee--ugh!

Ate naman kasi ee! Bakit yun pa ang kapalit? Namimiss ko tuloy ang asawa ko.

"Elijah- baby, wait!"

Nakunot ko ang aking noong napalingon sa taong humawak nalang bigla sa braso ko upang pigilan ako sa aking matiwasay na paglalalakad. Anong karapatan nitong hawakan ako?

Joke.

Isa pa itong monggoloid na ito, sa mga nag daang araw wala nang ginawa ang isang ito kundi ang guluhin ang buhay kong magulo na nga.

"Ano na naman bang gusto mo, Mariano?" animong bored pang tanong ko sa kaniya.

Mariano, isa sa mga sikat na basketball player dito sa aming University na bigla nalang lumapit at nanggulo sa akin. Hindi kona alam kung anong trip niya sa buhay pero hindi ko siya trip.

Hindi ko maiwasang mapangiwi ng mahina pa itong matawa at maya maya lang ay itinaas baba pa ang kaniyang mga kilay na parang may pinapahiwatig. Gago din ee.

"Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko kaya hindi mo na kailangan pang tanungin yan." nakangisi pang pahayag nito. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa walang saysay na pahayag niya.

"Alam mo, Mariano--"

"Sabi ko naman sayo Julius nalang ang itawag mo sa akin diba? wag na MARIANO masyado ka namang formal baby ko, kung ayaw mo talaga akong tawagin sa pangalan ko pwede namang baby nalang."

Hindi ko mapigilang maubo dahil sa kakornihan niya. Baby my ass. Yak!

"Alam mo ba? Ang dami mong alam." naiiinis na agad na sabi ko at tinalukuran siya.

Kalalaking tao ang dami daming sinasabi, akala niya ata nakakadagdag points yun sa kaniya, hindi niya ata alam na nakakadiri lang siya.

Hindi pa man ako nakakaalis mula sa aking puwesto ay humawak na naman agad ang gago sa braso ko upang pigilan ako sa aking binabalak na pagtakas sa kaniya kaya naman inis na humarap ulit ako sa kaniya.

"Ano ba---"

"Hindi madami ang alam ko baby ko, isa lang." nakangiti pang sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi nito? Tangina, baliw na ata amp.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon