Chapter 9

31.9K 897 896
                                    

Agad na napablikwas ako ng gising mula sa aking payapang pagkakatulog dahil sa sunod sunod na malalakas na katok mula sa labas ng pinto ng aking kwarto. Wth?! Kainis! Inis naman na napabangon ako dahil no choice mukang balak atang sirain ng taong yun ang aking pintuan.

"Oo! Teka lang, aba!" potanginang iyon, hindi makapag hintay ee. Inis na inis na tinahak ko ang pintuan ng aking kwarto at padabog na binuksan ito.

Siguraduhin lang talaga ng lapastangan na iyon na mahalaga pa sa pagtulog ko ang sasabihin niya dahil kung hindi din naman--matitikman niya ang hinagpis ng isang dyosa!

"Bakit ba?! Alam mo bang inistorbo mo ang tulog ko?! Puyat yung taoooooo ohhh!!!" agad na bulyaw ko dito ng mabuksan ko ang pintuan.

"Aba abaaa!!! mahal na reynang Eq! Anong karapatan mong sigawan ako ng ganyan?! At Ikaw pa itong ang galit ah?! Anong oras na inday! kanina pa ako nag aantay na magising ka!" agad na napatakip ako sa aking tenga ng madiin matapos nito akong sigawan din, ohmygad.

Naikunot ko nalang ang aking noo dahil ang makinis na ulo ni Uncle na kalbo ang unang bumungad sa akin. Ay, si Uncle naman pala hehe.

"Ha? Ano bang meron at nandito ka ngayon?" walang ganang humihikab pa ako sa harap niya kaya inis na kinotongan niya ako na ikinaamang ko nalang. Gago din ee no.

Mataray na tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Oh, Attitude na naman po si kalbo.

"So, hindi mo pala naaalala?" nakapamewag na pahayag nito sa akin. Napataas naman ang kilay ko.

"So, magtatanong ba ako kung naaalala ko, uncle?" nakapamewang din na sabi ko.

Natawa nalang ako ng kurutin ako nito sa aking tagiliran bago ako irapan na naman ng matalim ng ilang beses bago siya magsalita.

"Gaya nga ng napag usapan natin nitong nakaraang linggo lang na Uuwi tayo ng palawan ngayong araw. So, ngayon ba naalala mo na? Ikaw pa mismo ang humiling sa akin na umuwi tayo tapos ikaw pa itong makakalimot? Ang tanga mo." naiiling na sabi niya bago mag cross arm sa harap ko.

"Pambihira! Ngayon pala yun?!" natataranta na natanong ko sa kaniya.

Takte, nakalimutan kona tuloy kasi naman ee..

"Oo! kaya dalian mo na at kumilos kana ngayon din! kundi iiwan talaga kita!" sigaw pa nito bago siya pagiling giling na talikuran na ako.

Sa palawan ang punta namin now kasi sa palawan lang naman nakatira ang mga magulang ni Uncle at ni papa. Napagpasyahan talaga namin na umuwi dahil miss na miss na daw kami ni mamita which is mother ni Uncle at papa, syempre mahirap namang tinanggihan yun baka magtampo, nakoo... Well, Nakakamiss naman talaga ang kagandahan ko.

Dali dali naman akong nag impake na ng gamit na dadalhin ko for two days lang naman yun dahil hindi naman kami magtatagal dun kasi may pasok pa ako at ganon din ang kasama ko. Pagtapos kong maiayos ang lahat gamit ko ay dali dali akong tumakbo palabas papuntang cr.

Napapadyak nalang ako sa inis dahil may tao pa pala sa loob. Inis na kinalampag ko ito kaya halos magwala na din ang tao sa loob nito.

Hulaan niyo kung sino yun. Clue, masungit siya tapos ano-mabuhok-ay!

"Ano ba?! Tumatae nga sabi ako eh! Maghintay ka diyan!" sigaw pa nito mula sa loob.

"Buksan mo kasi, please lang! Kailangan ko na kasing maligo dahil baka iwan talaga ako nung kalbo mong uncle!" ungot ko pa at pilit na kinakatok ulit ang pintuan ng cr.

"Hoy! Anong-Sinong kalbo?!" rinig kong sigaw rin ni Uncle mula sa kitchen.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pangungulit kay ate sa na buksan ang pintuan.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon