"Teka lang naman--sandali lang, uy!"
Halos magkaiyak iyak akong humabol kay Prof. Saavedra na napakabilis na kung maglakad ngayon.
Pagkatapos niya kasing mag walk out, wala na siyang lingon lingon sa akin. Hindi na niya ako inantay pa at mararamdaman mo talaga sa bawat yabag niya na galit na naman siya.
Jusko naman.
"Prof. Saavedra!" malakas na sigaw na pagtawag ko pa dito.
Pero ang lola niyo ay hindi parin lumingon o huminto man lang sa paglalakad ngunit mas lalo lang bumilis ang lakad nito.
Tangina.
Napasama ata ang pakikipag chismisan ko.
Halos pagtinginan na ako ng mga taong nakakasalubing ko ngunit hindi ko nalang sila pinagtunan pa ng pansin.
Kailangan ko siyang mahabol dahil hindi ako makakauwi mag isa, wala akong dalang pera no!
"Veymie!!" mas malakas na sigaw ko pa.
Wala akong pakialam kung anong isipin ng mga taong nakatingin sa akin. Ang mahalaga ngayon ay mahabol ko ang mahal ko--mahal kong professor dahil baka iwanan talaga ako nito dito, kahit piso wala talaga akong dala.
Jusko, sala sa hulog pa naman ang babaeng iyon.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sa wakas ay huminto na din siya ngunit wala paring emosyon na nilingon ako.
"Pambihira ka naman ee! Pagkatapos kitang samahang bumili niyan, aapakan at iiwan mo lang ako?!" naiinis na pahayag ko nang makalapit ako sa puwesto niya at itinuro yung hawak niya.
"Idiot!"
"Wow! Ako pa--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pitikin nito ako sa noo.
"This is for you, dimwit!" umirap pa ito at muli ay iniwan na naman akong nakaamang.
Para sakin?
Wtf.
"Wait-Veymie!" habol ko ulit sa kaniya nakahinga naman ako ng maluwag ng huminto ito.
"What?" tanong nito at sinabayan akong maglakad.
"Wag mong sabihin na tatlo talaga yung binili mo?" please no, baka ako naman ang malagot sa mahal kong ate niyan.
"Yes." walang pag aalinlangan na sabi pa niya.
Shuta. Sinasabi ko na nga ba ee, kaya pala malakas ang kutob ko na may gagawin talaga siya.
"What?!" hindi makapanilang bulalas ko, napairap naman siya.
"Why? I told you, you choose or I'll choose." kibit balikat pa na sabi nito at marahang hinawakan ako sa bewang.
Parang wala talaga siyang pakielam sa na gastos niya. Isa palang nga mahal na, yung tatlo pa kaya? Kingina nito, kung ano ano nalang ang sumasapi sa kaniya.
"Pero.. Sobrang mahal ng mga yun---"
"So? I don't care." umirap pa na sabi nito at may ibinulong sa sarili na hindi ko naintindihan.
Nailing nalang ako dito at hindi makapaniwala na tumingin sa kaniya. Natawa naman siya sa reaction ko at halos mamula ang pisnge ko ng natatawang ninakawan pa ako ng halik sa ilong ko.
Gago, kakilig!
"Kain muna tayo, I'm hungry." napaigtad pa ako dahil sa gulat ng bigla itong bumulong at hipan ang tenga ko.
"Ano ba!" mahinag suway ko dito.
"What?" painosente pang tanong nito kaya inirapan ko siya.
Kahit kilan, kahit saan talaga. Ang sarap niyang tadyakan sa totoo lang pero mas masarap siya ay.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...