"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala paKahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa."Hindi ko mapigilang maipikit ang aking mga mata habang dinadama ng buong puso ang kanta na aking kinakanta ngayon. Bakit nga ba ikaw? Eh, sakit ka lang sa pu-Charot, feel ko lang talaga yung kanta ngayon.
"Masaya ka ba pag siya ang kasama"
Di mo na ba ako naaalala?" hindi na ba talaga? Sure yan? Final na talaga yan? Charot ulit!" Mukha mo ay bakit di ko malimot limot pa
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwa---" bigla akong napahinto mula sa aking madamdaming pagkanta dahil may naramdaman akong may kung ano nalang bigla ang tumama sa akin."Pambihira--masakit yun ah! inaano ka ba?" inis na bulyaw ko at mabilis na nilingon ang may salarin.
Alam niyo ba yung masakit? Yung feel na feel mo na yung kanta tapos biglang may papasok sayo dito sa loob ng cr para lang mambato ng kutsara? Muka bang nandito yung lababo ha?!
Pambihirang buhay talaga.
Sinusubok talaga ako ni lord.
"Inaano ka ba?! Ha?! Really, Elijah?! Kanina pa kaya ako nag aantay sayo na matapos ka! tapos ito ka lang pala, nagdradrama?" nakapamewang na bulyaw rin nito sa akin.
Ayan na nga, nagalit na ang dragon.
"Anong nagdradrama ang sinasabi mo diyan ate? Kumakanta lang ako ee." nakangusong ungot.
"Kumakanta lang daw, eh.. kung makapikit ka nga at makahawak sa dibdib mo kanina eh, akala mo talaga--"
"Kung Inggit, pwede namang pumikit nalang diba?! Hindi yung kung ano anong sinasabi-" agad akong natigilan at mabilis na napaiwas ng makita kong umaangat na ang kamay ng mahal kong kapatid.
"Aba, sumasagot ka pang hindot ka ah!" gigil na bulalas pa niya ngunit mahinang natawa nalang ako ng makita ko sa mukha nito na mas lalo pa siyang nainis ng bongga dahil hindi niya ako magawang tamaan.
"Hala--joke lang naman, hindi ka talaga mabiro." ngumingising pahayag ko pa. Inis na inirapan naman ako nito.
"Ewan ko sayo, tabi nga diyan!" inis na tinabig ako nito at muntik pa talaga akong matumba dahil sa ginawa niya. Ang lakas naman nito, kawawa ang mapapangasawa ng sadistang ito-
"Hoy! anong gagawin mo?" takang tanong ko sa kaniya ng makita kong nag sisimula na itong naghubad ng damit niya.
"Maliligo." simpleng sagot nito at nagawa pang magkibit-balikat bago niya buksan ang shower.
"What?! Ako muna! lumabas ka." naiinis na ungot habang nagpapapadyak, inis na nilapitan ko pa ito at pilit siyang hinahatak palabas.
"Elijah-"
"Ate naman-"
"Can't you see? nakahubad na ako oh! Bitawan mo nga ako! Ang bagal bagal mo kasing kumilos." umiirap pa nasabi nito bago pakendeng kendeng na tumapat muli sa shower.
Ay, iba din talaga.
Batas yarn?
"Kasalanan ko ba na hindi ka lang talaga marunong mag antay?" nakasimangot na tanong ko.
"Oo." walang kabuhay buhay na sagot din niya.
Letche.
"At isa pa, hindi ka naman kaantay-antay." dagdag pa nito at kahit nakatalikod ang gurang na iyon ay batid kong may ngisi na ngayon sa kaniyang mga labi.

BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Roman d'amour1 Elijah Quiel Montero is everything a university could ask for-bright, disciplined, and a full scholar with her eyes set on success. Love? Distractions? They're not part of the plan. But one impulsive night unravels everything. A drink. A stranger...