Chapter 12

28.6K 940 767
                                    

Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions
of sexuality and nudity.

===================

"Sa letrang S. Si Mareng Eq hindi sinuyo!"

"Ayan, selos pa!" gatong pa ng isang hudas.

"Dahil sa gusto mong magkaroon ng karapatang mag selos, ayan wala ka nang ka bebetime!" tawa tawa pang pang aasar ng huds na si Lenesha.

Kainis.

Ako na naman ang trip nila.

"Iyak talaga malala!" inis na sinamaan ko ng tingin si Caleb ng marinig ko ang sinabi niya ngunit nginisian lang niya ako.

"Ang carvings po natin for today ay bumalik kana sakin dahil tigang na po ako." mas lalo namang sumama ang timpla ko ng marinig ko na naman na ang salita ang nakakinis na si Zera.

"Magaan na ba ang 'yong paghinga
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip sinta
Bumalik ka na sa'kin."  sabay sabay pa kanta pa nila habang nang aasar na nakatingin sa akin.

Badtrip ah.

Ang sakit nila.

Dahil sa lakas ng boses ng mga hudas ay pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong namin habang kami ay naglalakad ngayon. Wala na akong ibang nagawa kundi ang inarapan nalang sila sa mga pang aasar pa nila dahil wala na talaga ako sa mood at wala rin naman akong panlaban sa mga sinasabi nila. Nablabalangko ako ngayon at hindi maganda ito.

Mag iisang linggo na, mag iisang linggo na mula nung huling pag uusap namin at hanggang ngayon ay wala paring kahit isang salita akong naririnig mula sa kaniya. Kapag nagkakasalubong at nagkikita kami kahit saan mang sulok nitong University ay para nalang akong isang hangin sa kaniya.

Nakakainis.

Nakakaiyak.

I am not enough?

Choss.

Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang Library dahil doon nila balak na tapusin ang hindi pa nilang matapos-tapos hanggang ngayon na part nila sa thesis namin. Mga tamad kasi.

"I want you but label is silent."

Inis naman na napahinto ako dahil sa pang aasar na yun ni Lenesha, inis na nilingon ko ito bago siya sipain ng malakas sa hita.

Ngumiwi lang ang hudas at maya maya lang ay nagtawa nalang bigla sila. Mga baliw. Dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman ay inis na iniwan ko sila.

Gusto kong manampal.

"Good afternoon, gorgeous."

Tanging tango lang ang isinagot ko sa pagbati niya ng makapasok ako ng library. Napapagod na napabagsak akong umupo at nagkapalumbaba.

"Alam mo Eq---"

"Hindi pa." agad na pambabara ko kay Caleb ng bigla itong sumulpot sa gilid ko.

Sinamaan ako ng hudas ng tingin kaya inarapan ko siya. Bakit? Hindi ko pa naman talaga alam ah.

"Seryoso tayo ngayon, alam mo--"

"Hindi pa nga." pang iinis ko din sa kaniya kaya inis na napasabunot ito sa sariling buhok niya na syang ikinairap ko lang sa kaniya.

"Tangina nito, seryoso na nga!" mahinang sigaw nito at lumapit pa sa akin ng todo.

"Okay." kibit balikat ko pa at walang ganang tinignan nalang siya.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon