Chapter 11

29.1K 970 350
                                    

"Kindly answer on your paper exercise 5, on page 143 of your textbook." ang utos pa nito at inabala na ulit sa kakapindot ang sarili sa laptop niya.

Agad naman kaming tahimik na sumunod nalang sa kaniya. Psh, namiss ko siya. Hindi ba niya ako namiss? Pagkatapos niya akong halayin-charot!

Nakakainis.

Napapanguso nalang ako mula kanina kasi hindi niya ako pinapansin or tinitignan man lang! Grr.. Gusto ko sana siyang kausapin kaso hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.

Hayss.

"Prof?" rinig kong pagtawag ng isa sa mga classmate ko na si Robert.

Nasa kabilang gilid ko lang ang gago kaya naman nilingon ko ito, nakita kong nakataas ang kamay nito at nakatitig sa babaeng nasa unahan na abala sa laptop niya.

"Yes?" animong wala pang buhay na tanong nito bago siya mag angat ng tingin.

"Anong page nga po ulit?" tangang tanong pa niyo sa aking mahal.

Bingi si pareng Robert.

Napairap naman ang mahal ko--mahal kong professor at nag cross arm na tumititig kay Robert.

"1.4.3." madiin at isa isa nitong sinabi ang number.

"Mahal na din po kita." nakangising pahayag ng mokong na panget.

Agad namang umasim ang mukha ko dahil sa nakakasukang sinabi ni Robert panget at ang mas nakakasuka pa dun ay nagsimula nang magtilian ng mga classmate ko at katyawan si Robert at Prof. Saavedra.

Mais amp.

Nice joke.

Wag kanang uulit.

Daming alam, mahal na din po kita. Nye nye!

At parang gustong kong manakit ngayon dahil pati ang mga hudas ay tuwang tuwa pang pumapalakpak!

Mga traydor!

Nakita kong bumaling ang tingin ni Prof. Saavedra sa puwesto ko kaya agad akong nagpoker face sa kaniya. Halos kumulo ang dugo ko dahil bigla itong ngumisi at ngitian si Robert ng matamis.

Tangina.

Isinusumpa kita Robert!

Mababaog ka.

Dahil sa naghalo halong selos at inis ay nahampas ko sa likod ang nanahimik na si Silviana.

Ang akala ko ay maiinis ito ngunit nginisian lang ako nito at napapailing na tumawa.

Sampalin ko kaya baka mainis na? Kingina.

"May karapatan ka?" tumatawa paring tanong nito.

"Anong sinasabi mo diyan?!" naiinis na tanong ko dito. Lalo namang natawa ang hudas.

"May karapatan kaba kakong mag selos? Wala naman diba?" pang iinis pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Meron!" inis na hinampas ko ito sa braso.

"Nasan?"

"Ito oh." sabi ko at pinakyuahan siya, napaikot nalang ako ng mata ng lalong lumakas ang tawa niya. Kaasar!

"Kung may karapatan ka nga, ano kaba ni Prof. Saavedra?" animong nanghahamon pang tanong na naman ng hudas.

Agad naman akong natigilan bago siya irapan ng todo. Ano nga ba niya ako? Grrr.

"Ano-"

Hindi ko pinatapos ang hudas sa sunod na sasabihin niya dahil agad kong tinakpan ang tenga ko ng madiin at inis na inis na tinadyakan siya.

Catch Me, I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon