Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.==================
"Mabuhay! Aba, aba, aba! Sa wakas at nagsama na namang muli ang mga Maria's de bakla!"
Sabay sabay na napabaling ang tingin namin kay dada (tatay nila papa at uncle) ng marinig naman ang malakas na boses nito. Nakangisi na ito at animong nang aasar na pumapalakpak habang naglalakad na papunta sa puwesto namin ngayon. Nandito kasi kami ngayon nila papa sa may living room. Nasa likod naman ni dada si Kuya Chris na malawak na nakangiting kumaway na sa akin. Ngumiti at kumaway din ako dito pabalik.
Anyway, Si kuya Chris ay hindi talaga namin tunay na cousin ni ate dahil adopted child lang siya ni Uncle kalbo. Mas matanda siya kay ate ng tatlong taon. At oo nga pala, isa narin siyang ganap na engineer ngayon.
"Kamusta mga bakla?" rinig ko pa ang nang iinis talagang tanong pa ni dada ng makalapit sa amin.
"Pa naman!" ang agad na ungot naman nung dalawang anak niya.
"Bakit ba? Nagtatanong lang ako eh." natatawa at kunyari pang maang-maangang sabi ni dada.
"Ma, si papa oh.." mahina naman akong natawa ng marinig ko pa ang animong bata pang sumbong ng mahal kong aba.
"Nako! Tigilan mo nga yang mga anak mo, Cesar ah! Saka kung titignan naman natin, mas mukha ka parin namang bakla kesa sa mga natin."
Dahil sa sinabi na iyon ni Mamita ay malakas na nagtawanan kaming lahat maliban kay Dada na nakasimangot at ngumuso pa na tumabi nalang kay Mamita.
"Kamusta naman ang ate mo?" napasimangot na napalingon agad ako ng marinig ko ang tanong ng katabi ko ngayon.
Si kuya Chris, hindi ko man lang namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko kung hindi pa siya nagsalita. Close talaga kami nitong ni kuya Chris ee, pero sila naman ata ate ay hindi ganon ka close.
"Ako naman yung nandito, bakit iba ang kinakamusta mo?" naka-cross arm at kunyaring nagtatampong tanong ko sa kaniya.
Agad na naiiling na tinawanan naman ako nito bago siya nakangising lumapit pa sa akin ng bahagya at akbayan ako.
"Mukhang okay ka naman eh, tsaka blooming ka ah, araw-araw bang may---"
"Ewan ko sayo, kuya!" naiinis na inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin at mahinang sinapak siya sa kaniyang braso.
Kainis ah, pero nagulat talaga ako sa sinabi niya. Hindi naman araw araw kasi ilang beses palang naman-ay
"Or baka naman inlove lang talaga ang bunso namin?" nakangisi pang pahayag nito at kunyari pang humawak sa baba niya na animong napapaisip pa sa kaniyang sinabi.
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya na animong nagkunyaring hindi narinig ang sinabi niya. Ibinaling ko nalang ang tingin sa mga gurang na masayang nag uusap.
Ako? In love?
Kanino naman?
May isang taong pumasok sa isip ko pero agad din akong napailing. Hindi pwede.
"Uy! Ang ganda-ganda naman talaga ng paborito kong apo! Aba, mas lalong gumaganda ee.." nakangiting sabi ni dada habang namamangha pang nakatingin sa akin. Napailing naman ako.
"Syempre, ako lang to." mayabang na itinaas baba ko pa ang aking kilay.
Nagtawanan naman sila sa aking kayabangan kaya kunyaring napairap nalang ako sa hangin.
"Ilan na ba ang mga babaeng napipikot ng kagandahan ng apo kong maganda?" nakangisi na naman na tanong ni dada.
"Wala ah." maiging tanggi ko agad dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/300210955-288-k580114.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling For You
Romance1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin...