Chapter 03

22 4 0
                                    

CHAPTER 03 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

Grabi ang laki ng bahay na 'to tapos mag isa lang siyang nakatira, masaya kaya ang buhay niya?

Kumuha ako ng plastic bottle at nilagyan ng chlorine, ang dumi naman ng banyo dito.

"Roselle?"

Nanatili akong nakatalikod.

"Bakit ka umiihi ng nakatayo?"

Napalunok ako. "Hindi po ako umiihi Ma'am, binababaran ko lang po itong bowl, kukuskusin ko po kasi mamaya, naninilaw na e."

"Matagal na kasing walang gumagamit nito e, kaya nga nagpapahanap ako ng makakasama dito para naaalagaan ang mga gamit dito sa bahay."

"H'wag po kayong mag alala, ako ang bahala sa bahay niyo."

"Thank you, maghugas ka na ng kamay at sumunod ka na sa akin, maghapunan na tayo."

"Susunod po ako." Sagot ko, naiinitan na ako dito sa suot ko, hay! Ano ba 'tong pinasok ko?

"Maupo ka na at kumain ka na rin, nasa ref. ang mga pwede mong lutuin, marami kang mapagpipilian dun." Tumango lang ako, ang hirap sumagot, ang hirap magpaliit ng boses.

"Ayaw mo na agad? Kumain ka pa, marami pa itong pagkain oh, sayang naman."

Ang bait namang Amo nito, kawawa lang kasi mag isa siyang tatanda. "Tapusin mo na 'yang kinakain mo, sasagutin ko lang 'tong tawag." Lumayo siya sa akin, nagpatuloy ako sa pagkain, ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain, sa bahay kasi tuyo lang ayos na.

"Okay, bye. See you tomorrow, ako na nga ang bahala sa pamasahe mo pauwi, sige sige."

Habang nililigpit ko ang mga pinagkainan namin ay narinig kong sumisingot-singot na naman siya, naaamoy niya kaya ako? Bakit kaya ayaw niya sa lalake? Ano kaya'ng rason?

"Roselle, pagkatapos mo d'yan ay katukin mo ako sa kwarto, mag uusap tayo."

"Opo."

Kakatapos ko lang maghugas ng mga plato at inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay, maganda pero walang design, parang patay yung bahay. Magagalit kaya siya kung aayusin ko?

"Roselle, bakit?"

"Ah, ang ganda po ng bahay niyo."

"Hindi ko nga maalagaan ng maayos, walang time."

Pati sa sarili mo wala kang oras. "Ako po ang mag aalaga ng bahay niyo."

Ngumiti siya, pati ang mga mata ay parang tumatawa.

"So, may boyfriend ka ba? Alam mo naman sigurong ayoko ng lalake, kung itatanong mo kung bakit, it's a long story, malalaman mo rin yun kung tatagal ka."

"Syempre naman Ma'am tatagal ako, hindi ko gagawin lahat ng ayaw mo mo, para sa kapatid ko." Muli siyang ngumiti pero parang hindi totoo.

"Napakabait mo namang Ate, ganyan din ako pero hindi nila naa-appreciate." Nakangiti pa rin niyang sambit.

"Imposible naman pong walang nakaka-appreciate sa inyo."

"H'wag na lang nating pag usapan yun, sige na, mukhang alam mo naman ang mga ayaw ko kahit hindi ko na sabihin, siguro'y naikwento na ni Rosa sa iyo. Magpahinga ka na, magpapahinga na rin ako. Good night Roselle." Lumapit siya sa akin at idinikit ang pisnge niya sa pisnge ko, nabigla ako pero hindi ako nagpahalata.

"Go-Good night po."

"Sleep well." Tumalikod na siya at bumalik na rin ako sa kwarto ko.

Pwede na kaya akong magpalit?

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon