CHAPTER 28 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★
[ W A R N I N G ]
“Ang ganda ng bahay mo, asensado ka na talaga, ang sarap naman ng laman ng ref. mo.”
“Ang ganda ng kotse mo, gusto mo bang basagin ko ang mga bintana katulad ng ginagawa natin dati? HAHAHAHAHAHA!”
“May date ka yata, masarap bang umangkas sa lalakeng 'yan?”
“Masarap dinner niyo? Dinner niyo ba ang isa't-isa?”
“Ang galing mo palang kumanta, magaling ka ring sumayaw hindi ba? Sayawan mo naman ako ulit kapag nagkita tayo.”
“May papapasukin sana akong tao ko d'yan sa company no kaso baka ipasabotahe ko lang kayo, sayang naman kung masisira ang pinagkukunan mo ng pera, paano ang future natin? Alam ko namang sa akin ka pa rin babagsak.”
Binabasa ko lahat ng text messages na natanggap ko mula sa iisang number, at alam kong si Rolly 'to, ang huling text niya sa akin ay noong nagpunta kami sa Secret Resort.
Yakap-yakap ko pa rin ang dalawa kong pusa, sila na ang naging pamilya ko simula nung nagkada-l*tse l*tse ang buhay ko. Sila lang ang tumanggap sa akin, sila lang 'yong nakikinig, sila lang 'yong iniiyakan ko sa tuwing down ako tapos heto, wala na sila, pinatay nila!
Akala ko kapag hindi ko pinansin si Rolly ay titigil na sila, mali pala ako, mas h*yop pa sila sa hay*p!!
Mugtong-mugto na ang mga mata ko, napatingin ako ulit sa isinulat nila sa dingding ng sala ko.
“NAKIKIRAMAY AKO, KUNG HINDI KA MAGPAPAKITA SA AKIN, ISUSUNOD KO ANG PAMILYA MO PATI NA RIN ITONG BOYFRIEND MO!!”
Parang bumagsak lalo ang mga balikat ko, ano'ng gagawin ko? Sino'ng tatawagan ko? Kaya ko ba 'tong mag-isa?
Knowing Rolly and his friends, wala silang sinasa-santo.
Napabuntong hininga ako. "Lord, tulungan niyo po ako, gabayan niyo po ako sa magiging desisyon ko, Kayo na po ang bahala." Sambit ko at agad na kinuha ang cellphone ko, "Hello? Oo, pasensya ka na pero kailangan ko ang tulong mo, ikaw lang ang nakaka-alam ng lahat, nang mga totoong nangyari. Nakiki-usap ako, sa atin na lang muna ito, ayokong may madamay, salamat."
Dinala ko sa isang veterinarian clinic ang mga pusa ko para na rin alam ko kung ano ba talaga ang totoong nangyari, kung ano ang ikinamatay nila.
"Itong isa," turo niya kay Meowy. "Sinakal hanggang sa mamatay, at ito namang isa," si Catty naman ang hawak niya. "Nilason."
"Salamat po Doc, kayo na po muna ang bahala sa kabila, babalikan ko na lang po sila dito bukas na umaga."
"Okay po Ma'am Cervantes." Sagot ng babae, iki-cremate nila ang mga pusa ko, mag mga ganoong mga prosesi na rin kasi ngayon, katulad sa ginagawa nila sa tao.
Sinubukan kong tawagan ang number na palaging nagte-text sa akin pero kinabahan ako m, baka hindi ako makapagsalita ng maayos kaya itenext ko na lang.
"Makikipagkita na ako, pakawalan mo na siya." Pilit kong pinakalma ang sarili ko, alam kong kinuha nila si Russel, nararamdaman ko.
Hindi pa ako nakakapasok ng gate ay bigla itong tumawag.
"Sinaktan mo ba siya?!" Bungad ko sa kanya.
"Ay ang ganda pa rin ng boses mo."
"Tinatanong kita, sinaktan mo ba siya?!"
"Hindi, kumalma ka nga, baka gusto mong saktan ko nga. Maliit lang naman ang atraso sa akin ng lalakeng 'to kumpara sa 'yo, ito lang naman ang pumigil sa akin para t*kman ka."

BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Aléatoire"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...