Chapter 19

12 2 0
                                    

CHAPTER 19 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

"Pizza po, order ni Miss Cervantes." Sabi ng delivery boy, hindi kaya utusan din 'to ng Rolly na 'yon, kanina pa pasilip-silip sa bahay e parang may hinahanap.

"Dalawa? Ito ang bayad, 'yong sukli ay sa 'yo na raw." 

"Salamat po, nand'yan po ba siya sa loob? Gusto ko po sanang magpa-picture sa kanya."

"May bisita siya ngayon e, sa susunod na lang ulit kapag nagpa-deliver ulit siya."

"Sayang naman, idolo ko pa naman siya pero salamat po ha." Pag-alis ng delivery boy ay pumasok na ako sa loob, napakunot noo ako, ako yata ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Boyfriend mo ba siya?" Tanong ng kapatid ko pero umiling si Rose.

Ba't ako nalungkot?

"Pero, gusto ko ang Kuya mo."

Napangiti ako. "Gusto mo ako, Miss Rose?"

Nagulat sila pareho. "Ha? Russel, what i mean is, ahm, not romantically. Gusto kita, kasi maalaga ka, inaalagaan mo itong bahay, ang mga pusa ko, hindi ka nagpapasaway, sinusunod mo lahat ng utos ko, hindi mo ako niloloko, kaya gusto kita."

"Gusto din kita." Napaseryoso siya kaya nataranta ako. "Gusto kitang Boss, palagi ko akong binibigyan ng pera na sobra, nakakatulong 'yon sa amin ng sobra-sobra, kapag may sakit ako ikaw pa ang nag-aalaga, lagi kang nand'yan para sa amin ng pamilya ko, ka-kaya gusto kita, M-Miss Rose."

"Gusto niyo pala ang isa't-isa e bakit hindi na lang kayo." Napatingin kami pareho kay Ranna.

"Bakit hindi na lang kayo magkasundo, hihi, 'yon ang gusto kong sabihin, team work kumbaga, kung magtutulungan kayo sa lahat ng bagay, magtatagumpay kayo." 

"Hay naku, mabuti pa'y kumain ka na lang ng pizza, may kukunin lang ako sa kwarto ko." Sabi ni Miss Rose, inabot ko ang pizza kay Ranna, mukhang natakam siya agad.

"Magbihis ka muna bago kumain, basang-basa ng pawis ang likod mo."

Hindi sumagot ang kapatid ko, nakangiti lang siya. "Bet mo si Ate thorns 'no?"

"Ha? Magbihis ka na kaya."

"Ha ka d'yan, 'yang mga ngiti mo kakaiba, gusto mo siya? Ah, hindi mo siya gusto, mahal mo na, mahal mo na 'no?"

"Hinaan mo nga ang boses mo Ranna, baka marinig ka niya, mamaya na tayo mag-usap."

"In love ang Kuya, yiee. Kaya pala ayaw mong may ipakilala ako sa 'yo e may iba ka na palang gusto, pero hindi mo alam na 'yong gusto kong ipakilala sa 'yo, si ate thorns 'yon."

"Magbihis ka na, matutuyuan ka ng pawis, gusto mo ba ng juice? Ipagtitimpla kita."

"Sige Kuya, sarapan mo ng timpla ha. Saan ba pwedeng magbihis dito?"

"Buksan mo 'yang pinto d'yan sa may gilid, nakita mo na ba?"

"Opo Kuya."

Paano kaya sila nagkakilala?

Hindi naman masyadong paka-kaibigan si Ranna at sa tingin ko'y gano'n din naman si Rose.

"Russel."

"Ay Rose! Miss Rose,  bakit po?" Napakamot ako sa ulo, bigla niya kasi akong hinawakan sa balikat.

"Magugulatin ka na yata ngayon. Yung mga gamit ni Rhianna, dalhin mo sa guest room, sa tabi ng kwarto ko."

"Po? Pwede naman pong share na lang kami ng kapatid ko sa kwartong tinutulungan ko."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon