CHAPTER 14 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★
Ang panget naman ng bulaklak niya, kung ako ang magbibigay kay Rose, red roses agad, nabasa ko kasing Love at Admiration ang ibig-sabihin nun.
"Tahimik mo naman d'yan." Bulong ni Rosa
"Wala. Tapos na kayo? Tara na, nagtext na si Ranna, sunduin ko na raw siya."
"Asus, mukhang may nagseselos. Kayo ba? Kayo?"
Ilang minuto ng nakatitig sa cellphone niya si Rose Lyn, sino kaya'ng nagtext sa kanya?
"Sa kotse na kayo sumakay, ihahatid ko na kayo."
"Eh akala ko po may lakad kayo Miss Rose."
"Oo nga, dederetso ako doon. Itapon mo na nga ang mga bulaklak na 'to Rosa. Russel, yung susi ng kotse, paki-kuha."
Lagi niyang tinitingnan ang cellphone niya tapos titingin sa labas, sino kaya 'yong nakita kong lalake kanina? Siya kaya 'yong nagpadala ng bulaklak? Mukhang hindi naman katiwa-tiwala e.
"Mauna na kayong sumakay sa kotse, kukunin ko lang ang bag ko sa kwarto."
"Kuya, pa'no 'yong motor? Bakit kaya tayo ihahatid ni Miss Rose? Hindi naman siya gano'n e, may kakaiba talagang nangyayari."
"H'wag ka na lang magtanong, nagmamalasakit lang 'yon. Iwan na lang muna natin 'yong motor, hindi naman mawawala 'yon, babalikan ko na lang siguro bukas, sakay na."
Bakit nga kaya kami ihahatid? Siguro gusto niyang malaman kung saan kami nakatira o 'di kaya–
"Tara na!"
Napatitig na lang ako sa kanya.
"Susi.."
Anghel.
"Russel, susi?!"
"Ah, eh, he-heto po."
"Sakay na." Pagpasok ko sa loob ay tawa ng tawa si Rosa, may baliw na talaga akong pinsan.
"Titig pa moreee."
Sino ba namang hindi mapapatitig sa gano'n kagandang mukha?
Palabas na kami ng subdivision, liliko sana kami pero biglang may sumulpot na motorsiklo, may angkas na naka-sombrero, tumingin siya kay Rose at ngumiti na tila ba may masamang binabalak.
"Anak ng!" Gigil na sambit ni Rose at hinampas ang manibela.
"Hinay-hinay po Miss Rose." Kinakabahang sabi ni Rosa, magkatabi na sila sa unahan, pinalipat siya ni Rose para maituro niya ng maayos ang daan patungo sa bahay namin.
"Wala ka bang napansin na sumusunod sa iyo?"
Biglang tanong ni Rose habang tinatahak namin ang daan pauwi.
"Wala naman po maliban doon sa lalakeng naka-motor na kahit saan ako magpunta e nakikita ko siya, feeling ko nga e stalker ko 'yon eh, haha! Nagpi-feeling pretty."
"Ano'ng kulay ng motor niya, pula ba?"
"Ha?" Nagtatakang tanong ni Rosalinda, "Opo, paano niyo po nalaman?"
Hindi umimik si Rose, itinuon niya na lang ang nga mata niya sa daan.
"Miss Rose, malapit na po tayo, liliko po tayo d'yan sa kanto."
"Ahm, pwede bang sa kanto ko na lang kayo ibaba? Baka ma-traffic ako pabalik e may pupuntahan pa ako."
"Saan po?"
"S-Sa condo, may kukunin lang ako." Sagot ni Miss Rose at umiwas.
Bumaba kami paghinto ng sasakyan. "Ingat po, thank you." Naunang naglakad si Rosa pauwi, sumilip pa ako sa bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Ngẫu nhiên"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...