Chapter 24

14 2 0
                                    

CHAPTER 24 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"No! Nooooo! H'WAG!"

* BANG *

"Mahal?" D-Dugo? Walang hiya kaaaa! 

"Mahal? Mahal! Nandito na tayo Mahal."

Napahawak ako sa dibdib ko, "Mahal.." Sambit ko ay niyakap siya ng mahigpit.

"Mahal, bakit? Nandito na tayo sa bahay, nakatulog ka sa byahe, tara na, baka nagugutom na ang mga anak natin." Ayaw kong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, kinapa ko ang likod niya, walang tama ng baril. Mabuti naman at panaginip lang 'yon, akala ko talaga binaril na siya ni Rolly, thank you Lord panaginip lang, thank you.

"Mahal, ano ba'ng nangyari?"

Umiling ako. "Panaginip lang, tara na sa loob." Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi magandang panaginip 'yon, hindi!

"Ginabi na tayo dahil sa traffic, magpapahinga ka na ba? Baka nagugutom ka Mahal, ipagluluto kita."

Umiling ako. "Mahal, pwede mo ba akong samahan sa kwarto?'' Napakunot noo siya, siguro'y nagtataka siya dahil alam niyang ayaw ko na sa kwarto ko siya natutulog, hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan pero nasanay kasi ako na mag-isa lang ako natutulog, hindi ako komportable na may ibang tao sa paligid ko kapag tulog ako.

"Sigurado ka Mahal?" Tumango ako. "Sige, susunod na lang ako, pupunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng pantulog, medyo amoy pawis din ako, nakakahiya naman sa iyo."

Nagpalit din ako ng pantulog, pinalitan ko rin ang bed sheets ko pati na rin ang kumot at punda ng unan.

Nakahiga na ako sa kama ng kumatok siya. "Pasok, bukas 'yan."

"Mahal, dito na ako sa baba matutulog, nagdala ako ng higaan at kumot." Tumango lang ako. "Baka nagugutom ka, sabihin mo lang sa akin."

Umiling ako. Umupo siya sa kama ko at sinalat ang noo ko. "Wala ka namang lagnat, hindi ba masama ang pakiramdam mo Mahal? Ang tahimik mo."

Yumakap lang ako sa kanya, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Mahal.."

"Natatakot ako." Sambit ko

"Kanino? Bakit?"

"Natatakot ako na baka iwan mo ako."

Hinalikan niya ako sa noo. "Hindi 'yon mangyayari."

"Mahal, nanaginip ako."

"Na?"

Sasabihin ko bang nag-propose siya?

H'wag na lang siguro. "Na may pupuntahan tayo tapos tumirik ang sasakyan natin, tapos bumaba tayo pareho, nung nakatayo tayo sa labas, magkaharap tayo, tapos . . . tapos." Hindi ko kayang ituloy ang kwento, sumisikip ang dibdib ko.

"Tapos ano Mahal?"

Umiling na lang ako.

Hingang malalim, inhale, exhale. "Nakita ko si Rolly sa hulihan mo, may hawak siyang baril tapos . . . tapos binaril ka niya, duguan ka nung nilapitan ko Mahal, tapos  naglakad siya palapit sa atin at paulit-ulit ka pa niyang pinagbabaril sa harapan ko, tapos–"

"Mahal, tama na, okay? Panaginip lang 'yon, hindi 'yon totoo, hindi ako mamamatay, hindi ako mawawala, hindi kita iiwan." Niyakap niya ako. "Magpahinga ka na, dito lang ako sa tabi ko hanggang sa makatulog ka, babantayan kita. Sige na, good night Mahal." Hinalikan niya ako ulit sa noo.

"G-Good night Mahal, I love you."

"I love you."

Kinumutan niya ako, pagpikit ko ay nakakatakot na mukha ni Rolly ang nakikita ko kaya napamulat ako.

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon